Chapter 30 Part 3

13 0 0
                                    

LAY's POV

Haay...tama na muna sigurong practice yun... Tanghali na din naman e... Kain na muna ako ng lunch.

"ADJUSBAUDINSGFDJLDLFDYTB"

Buti 'di pa ako talaga nakakalabas ng secret place namin nung dumaan yung mga estudyanteng yun. Ano ba yung pinag-uusapan nila? Di ko kasi naintindihan...

"Hala grabeee...ang galing diba??"

May mga dumaan nanaman. Magkakaklase siguro yung mga 'to o magkakaibigan. Halong babae't lalake kasi yung grupo nila. This time, pinakinggan ko na pinag-uusapan nila.

"Supeeer... Si N...ang gwapo-gwapo...yung girl...haay...ang ganda niya..."

"Super ganda kamo...Girlfriend ko yun e..."

"Kapal...tingin mo papatulan ka nun?"

"Selos ka lang e...Hanggang panaginip lang din naman kayo ni N e..."

"Sa tingin niyo ba, sila?? Waah....huhu...maha-heartbroken ako pagnagkataon..."

Ahh...alam ko na kung saan galing yang mga 'yan. Kanina nga pala, nag-announce yung VP ng 2nd year Juniors. Sabi niya, ngayong U-break, ipapalabas sa Grand Auditorium yung Moonlight shoot ni N...Pumunta na lang daw kung sinong gusto...Kaya ayun, takbuhan yung mga estudyante papunta dun kanina pati nga ata mga professors e...

"Nade-depress ako...Nakakaselos e pero ang sweet din naman...huhu...Kumain na nga lang tayo ng lunch..."

Tapos ayun, nung medyo malayo na sila, lumabas na ako kasi baka may mga dumaan pa nanaman dito. Hmm...oo nga pala no, sila Shae at Myrin siguradong present din dun kanina. Si Aeris, kasama ata nung kuya niya. Ang weird nga e. Sabi ni Eliah, dapat magkasama sila ni Aeris papunta dun pero nung malaman daw nung kuya, tinanong si Aeris kung ba't siya pupunta dun. Sinabi niyang gusto niyang pag-aralan yung mga artistic styles na ginawa. Tapos ayun, sabi, siya na lang daw sasama sa kanya. Si Eliah tuloy, 'di na pumunta. Sabi niya, nakita naman na daw niya yun, tsaka yung full copy, magkakaroon naman daw si Myrin. Kaya sabi niya tatakbo na lang daw siya sa buong Empire, pampalakas ng stamina niya...pero tingin ko ayaw din kasi ni Eliah sa kuya ni Aeris e.

*vibrate   vibrate*

From: Shae

Lay, asan k? Dumerecho kmi d2 ni Myrin. Knuha ndin kta ng lunch.

Hala dumerecho pala sila dun? Ba't ambilis? Ay, nakakotse nga pala sila ni Myrin. Haay...Medyo malayo pa naman na ako...

To: Shae

Sige, pabalik na ako. Kukuha nga sana ako ng lunch e.

*vibrate    vibrate*

From: Shae

Nge... Dpat pla tnxt n kta agd. Bilisan mo Lay pra d lumamig pgkain m. And2 ndin c Eliah. Sbi nia ngtxt dw c Aeris. D dw mkksama saten kc sbi ng kuya nia sbay n dw cla mglunch. C Ayen, d dn mkkpunta kc may gngwa dw xia s Admin. Kelangn nia dw tpucn un. Bilis Lay... Kwen2han tyo... Dami nmin ikkwn2 ni Myrin...

Ambilis talaga magtext ni Shae. Ang haba nun ah... Hmm...  Wala pala sila Aeris at Ayen...

To: Shae

Ok cge...pabalik n ako jan...

Haay...Si Shae talaga...excited nanaman... Siguradong tungkol yun 'dun' kanina at siguradong narinig niya yung gusto niyang marinig.

"Anong gagawin natin?"

Medyo malapit na ako dun sa secret place namin nung makita kong may mga babaeng estudyanteng nag-uusap dun sa lilikuan ko sana.

Fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon