Chapter 36 The Surprise (Part 1)

2 0 0
                                    

 (A/N: Una sa lahat, SUPER pasensya na po. Alam kong lagi naman ako busy kaso naging SOBRANG BUSY ko lang kase talaga.. Wala talaga time.. Huhu. Gusto ko na talaga matapos 'to. 'Pag natapos ko before this year ends (hopefully T_T).. Gusto ko nang simulan yung iba. Mas maiikli kasi yun kesa dito. Hay. Pasensya na ulit. Enjoy =) )


AYEN's POV

ANG SAYAAAA!!!!

Feeling ko tuloy kumikinang yung mga mata ko habang tinitignan ko yung mga estudyanteng dumadaan.

Ang swerte lang talaga namin at dito kami sa Empire nag-aaral!

Parang kakaumpisa lang ng 2nd sem tapos ngayon, patapos na agad yung November. At ang ibig sabihin pala nun dito sa Empire e COSPLAY!!

Oo. Cosplay talaga!!

Ito yung isa sa mga pinlano namin ni N nung sembreak kaya medyo umokey mood ko nun. Na-excite kasi ako, kasi nga first time ko, I mean, namin 'to. Cosplay event na ginagawa every year sa school mismo! Grabe. 'Di na kelangan pumunta sa mga animé convention para makakita ng cosplay.

Nag-isip kami ng mga concept tapos pinagsama namin. Tss. Kaso wala naman siya ngayon. Simula nung---Ano ba, Ayen! Ba't pumasok nanaman sa isip mo yung time na yun ha?? Sabing kalimutan na e. T_T Mabuti na nga 'to e.

Na 'di na muna kami nagkikita.

Hmm... Ayos din yung naisip ng 2nd year at 3rd year ah. Dagsa din yung mga tao sa kanila.

Ang 2nd year, games ang concept. Meron sila nung lahat ng Japanese festival games hanggang sa animé video games.

Sa 3rd year naman, Japanese festival food stalls at souvenir shops.

Sa bawat year level, may kanya-kanya lang naman na volunteer students na gustong i-manage yung concepts nila. Kaya yung iba, free lang na magpaikot-ikot sa Empire at mag-enjoy.

E ano yung samen?

Well... =) Cosplay Cafe.

Si Lay, umiikot sa buong Empire para kumuha ng pictures tapos pinopost niya yun sa Photo Gallery ng Costume House namin. Ay mali pala, si Lay ang kumukuha pero si Eliah ang tumatakbo pabalik para i-post yung mga yun. Wala lang naman sa kanya e. Kahit pabalik-balik siya. Parang training lang daw. Grabe nga e. Dinudumog talaga yung mga kuha ni Lay kasi ang unique ng mga kuha. Syempre bukod sa maganda yung anggulo nila, astig silang tignan dun sa background. May magic touch talaga si Lay pagdating sa photography. At dahil Costume House nga tawag dito, free din silang mamili ng costume at magpa-paint o drawing. Syempre, si Aeris naman ang in-charge dito. Kasama niya yung ibang mga taga-Arts department.

Habang naghihintay sila para sa mga finishing touches ng portrait nila, pinapapunta muna namin sila dito sila sa Maid and Butler Cafe namin kasi isang pinto lang naman pagitan. Pwede silang umorder ng gusto nilang kaining dessert o pumili dun sa mga guest entertainers namin na gusto nilang kausapin para ma-entertain sila.

Si Myrin, head ng mga in- charge sa food, since magaling talaga siya sa Japanese food, lalo na sa desserts. Siya din ang in-charge sa music. Astig nga e. Hindi lang anime music pinapatugtog niya. Pati Jpop at Kpop!

At dito sa Maid and Butler Cafe, kasama ko si Shae.

"Bessie! Ano ka ba?? Ba't antagal mo?? Bihis ka na dali!"

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang, hinila na agad ako ni Shae sa dressing room namin para magpalit.

"Bessie, ano? Matagal ka pa??"

"Ayan na..." Si Shae talaga, atat. "O ano? Bagay??"

>//////////////////<

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon