AYEN’s POV
"WAAAAH!!! HINDEEEEEEE!!!"
Napatakip kami ng tenga ni Myrin. Si Shae talaga!
"Ano ba yun ha??" Salubong tuloy mga kilay ni Myrin ngayon. Sakto kasi na kakabalik niya lang galing sa pag-order ng take out sa Dezertz. Di ko kasi pinasama si Shae sa loob kasi nga ayokong matanong siya nung mga staff tungkol saken, tapos eto, pagpasok niya naman dito sa kotse, sakto namang sumigaw 'tong si Shae.
"Ay nako, ano nanaman ba yan ha?!?"
Tinignan kami si Shae, super pout talaga siya. Hinarap niya kay Myrin yung tab. "Eto kasi e.... Huhu... hindi pwedeeee..."
"Ano ba kasi---" Nanlaki na lang yung mga mata niya.
Tapos sabay pa silang napatingin saken.
"O ba't ganyan kayo makatinging dalawa ha??" O...e ba't ayaw naman nilang magsalita??
"Bessie, sure kang gusto mong malaman?"
"Ha? Baket ba? Ano ba kasi yan? E imposible namang tungkol saken yan..." Medyo nagsalubong tuloy yung mga kilay ko.
Umiling sila pareho.
"Kaya nga diba...Hindi naman pala e... E kanino naman at ganyan reaksyon niyo?"
Nagtinginan pa muna silang dalawa bago sabihin ni Myrin na,
"k-kay N..."
Lalo tuloy nagsalubong yung mga kilay ko. "O...e bakit ganyan nga mga reaksyon niyo? Ano namang kinalaman ko dyan?"
Ayaw nanaman nilang magsalita.
"Hay nakooo...Bahala nga kayong dalawa..." Bumalik na ako dun sa ginagawa ko sa laptop ko. May mga report pa akong ipapasa para sa SC. Ako lahat gumagawa ngayon kasi---
"BES!! Tignan mo kasi 'to..." Halos parang natatarantang naiiyak si Shae.
Dinedma ko lang siya. E pano...yung ganyang tono ni Shae lumalabas lang 'pag nagfi-freak out siya 'pag may nababasang 'di niya gusto tungkol sa isang celebrity na hinahangaan niya...e lalo tungkol pala kay N yan.
"Bes, 'di ka talaga interesado? Tungkol 'to kay N..."
Ba't ba pati si Myrin mapilit na makita ko kung ano man yung nakita nila? Unusual e. Madalas hinahayaan lang nila ako 'pag nagfa-fangirling mode sila kay N. Alam naman kasi nilang 'di ako makiki-join.
I sighed and closed my eyes. Tapos, tumingin ako sa kanila at umiling...saka ako bumalik sa ginagawa ko.
"Ah basta! Kung ayaw mong tignan, babasahin ko na lang! Kelangan mo kaya 'tong malaman..."
Ay nakooo Shae... Bahala ka na nga kung anong gusto mo... Anong use kung makikinig ako e 'di naman pala tungkol saken diba??
Tinuloy ko lang talaga yung ginagawa ko. I never made an impression that I would want to listen.
"Oy bes...kahit dyan ka nakatingin, 'di mo naman masasara yang tenga mo no..."
Ok Shae...edi bingi-bingihan na lang kunwari.
"Ang sabi kasi dito...si N daw ngayon..." Bumwelo pa siya muna. "...MAY DINE-DATE NA!!!"
Natigilan ako. Mga ilang segundo din ata yun... tapos tinuloy ko na ulit paggawa ko.
"Huy bes??" Si Myrin naman yung nangungulit ngayon.
"Ito ba yung milk tea ko?"
Medyo nagulat siguro si Myrin nung nag-change topic ako. "H-ha? Oo...vanillastrawberry yan..."
BINABASA MO ANG
Fall in love with me
Teen FictionDefine BWISET. S I Y A. OO. SIYA! SIYA talaga yun e! Oy, iniisip niyo siguro ang OA ko no? Hindi kaya. Kung alam niyo lang….. T_T HAAAYYY NAKOOOOOO….. KAINIS!!!! Sori. T.T Di ko lang talaga mapigilan e… Baket? BAKET??? Kasi naman e…. Alam nyo yun...