Chapter 29 Part 1

17 0 0
                                    

NORMAL POV

Di mapigilang ngumiti ni N.

FLASHBACK

Hmm? Nakatulog ba ako?? Naalimpungatan si Ayen at nung mapadilat na siya…

Nanlaki yung mga mata niya sa gulat.

Bumungad ba naman sa kanya yung mukha ni N tapos nung ngumiti, ayun na… nagising na talaga siya kasi naging aware na siya na nakayakap nga pala siya sa kanya.

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!! Umalis siya agad sa pagkakayakap niya at paupong umatras. Pulang-pula yung mukha niya.

END OF FLASHBACK

“HAHAHAHAHAHAHAHAHA…”

Napailing at halos maluha na si N sa kakatawa. “Ang kulit… Ang kulit ng naging reaction niya…” He sneered. “Haaaaaaaay….Ayen… ‘kaw talaga…”

Habang nakahiga, napatitig na lang siya sa ceiling. Yung ngiti niya kanina, bigla na lang naging seryoso.

Iba ka din nun… Para kang si---

FLASHBACK

N’s POV

Sabi niya kanina…susubukan niya daw?? Ang alin? Yung ginagawa ko? Imposible… May alam ba siya dun?? Pinilit kong idilat yung mga mata ko. Anlabo… May sakit nga ata talaga ako… Hindi ko siya matignan ng maayos… Gustong pumikit ulit ng mga mata ko. Hinde… Gusto kong… makita… Pinikit ko ng madiin yung mga mata ko saka ko dinilat ulit. Huh?? Laptop ko ba yun? Pinilit kong tignan yung ginagawa niya. Nung medyo na-steady ko na yung paningin ko…

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Paano niya--- Gumagalaw siya sa loob ng system ng Empire??? Pinilit kong ‘di mawala yung focus ng mga mata ko. Imposible ‘to… Akala ko ba--- Talaga bang… nakikita ko siya ngayon na gumagalaw sa loob ng system… na parang alam na alam niya talaga yung ginagawa niya??

Na-restore na niya agad yung settings ng Ventilation?? Naramdaman kong nabawasan yung lamig. Bumalik na nga sa dati.

…Pero nilalamig pa din ako…

Akala ko hihinto na siya after nun pero nakita kong lalong bumilis yung mga kamay niya. Halos ‘di na siya kumukurap… Teka… ‘Wag mo sabihing… Bumibilis siya lalo. Yung mga mata niya…

Ayen… Tumigil ka na… Di mo siya kaya… Mape-pressure mo lang yung utak mo… Di mo siya kakayaning habulin…

Ayen…

Parang masyado na siyang absorbed sa system.

Hinde! Baka ‘di niya kayanin!

.

.

.

.

“Ayen…”

Natigilan siya at napalingon agad nung marinig niya ako.  Bumalik na sa dati yung mga mata niya… Salamat naman… Bigla niyang naalala yung laptop pero pagbaling niya dun, nag-shut down na. Mas okey na yan… Tapos naramdaman ko na lang na di ko na kaya…

Pipikit na ako…

END OF FLASHBACK

“Ibang klase siya… Paano niya nagawa yun??”

NORMAL POV

Magkasama pa din yung anim... Si Myst, as usual, nawala nanaman... Kanina lang kasama nila tapos 'di na lang nila napansin na umalis na pala...Palibhasa mga nakatutok sa Kindaichi...

Fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon