NORMAL POV
"Teka teka...Myrin, ang higpit..."
Niluwagan ni Myrin ang pagkakayakap kay Marienne. "GRABEEE!!! Sabi ko na nga ba e! Ang galing-galing mo talaga,bestfriend!!"
Inagaw ni Shae yung cellphone. "Di nga?? Baka joke lang yan??"
Inagaw ulit ito ni Myrin kay Shae. "Pwede ba,Shae...wag bitter..."
"Fine. Fine." Tinaas nito ang dalawang kamay. "Pero grabe ka ha..." baling niya kay Marienne.
"Bakit nanaman?"
"Halimaw ka talaga!!!"
"ANOOO?!?" Nagsalubong ang mga kilay ni Marienne.
"O wag ka kasing highblood agad..."
"E panong hindi ako ha-highbloodin sa sinabi mo ha?? Anong tinawag mo saken?!?"
"Relax ka lang kasi..." Nilapitan sya ni Shae sabay yakap dito mula sa likod at lagay ng baba sa balikat nito. "Ang ibig kong sabihin...Grabe ka...ang galing mo! As in!"
"Hmm?...Ganun ba yun??"
"Oo..." sabay tingin ng kakaiba sa mga mata nito.
"E bat ganyan ka nanaman makatingin ha?? Ano nanaman yan??"
"Wala lang...kase...sabi ko lang halimaw...tapos nagpanting na agad tenga mo...hmm...hindi kaya..." Ngumiti muna ito ng nakakaloko. "...naisip mo nanaman si----"
"Don't say bad words,Shae!" Marienne warned her.
Kaso si Shae yan e...kaya...
"Ang kulit nga e...biruin mo yun.. Halimaw ka tapos Monster sya...BAGAAAY..."
Patay...yun yun e...
Marienne gripped Shae's wrists which shocked the latter. "Myrin...may masking tape ka dyan?!?"
Hindi kaagad naka-react si Myrin. "H-ha??" Kasi tulad nung iba, nagulat din ito. "B-baket??"
"Sabi ko kasi dito sa isang 'to DON'T say bad words e!"
"H-ha?? Marienne naman e..." Halata sa boses ni Shae na kinabahan sya.
"Tama na nga yan..." Lay touched Marienne's hands.
*sigh*
Marienne looked into Lay's eyes and let go of Shae's wrists. "Sorry.." She said in a hushed voice.
Alam ni Shae na sa kanya yun sinabi ni Marienne.
"Haay... Sorry din..." Niyakap nya ulit ito... "Dapat pala kasi congratulations nalang yung sinabi ko...Ang daldal ko kasi e..Pasensya na ha..."
Tinap ni Marienne yung braso ni Shae at ngumiti dito. "Weh..kaw ba yan,Shae??? Andrama a...di bagay..."
"Ay ganon? Tinry ko lang...hehe..."
"Baliw ka talaga..." natatawang sabi nito sa kanya.
"Yah..I know...kaya nyo nga ako bestfriend e..."
At yun, nagtawanan nanaman sila.
"Yan...edi mas okey..." Hirit ni Eliah.. "Group huuuuug...." sabay damba sa kanila. Sumunod naman yung iba.
Nang bumitaw na sila sa group hug, napansin ni Eliah yung oras.
"Hala...kelangan ko na palang umalis..." sabi niya. "Sasabay na din ba kayong dalawa?"
"Ay oo nga pala...di ko napansin yung oras...sabay ako..." sabi ni Lay. Tumango din si Aeris. Bumaling muna ito kay Marienne. "Congratulations ulit Marienne ha..Sige..."
BINABASA MO ANG
Fall in love with me
Teen FictionDefine BWISET. S I Y A. OO. SIYA! SIYA talaga yun e! Oy, iniisip niyo siguro ang OA ko no? Hindi kaya. Kung alam niyo lang….. T_T HAAAYYY NAKOOOOOO….. KAINIS!!!! Sori. T.T Di ko lang talaga mapigilan e… Baket? BAKET??? Kasi naman e…. Alam nyo yun...