Chapter 31 part 1

14 0 0
                                    

MYRIN's POV

"WAAAAAAAHH...WAAAAAAAAAAHH...HINDEE...HINDEEEEEEEE...."

Shae couldn't stop shaking her head. Masyado siyang affected dun sa pinanood namin.

Yes. They're here again. Oo, sa bahay ko. At eto, kakatapos lang namin manood nung music video ni N. Oo...music video niya. Nag-announce yung agency niya na may kasamang music video yung ilalabas nilang DVD copy nung Moonlight shoot nila. Bilis din na-sold out yung exclusive magazine nung Moonlight... lalo na yung photobook...kasi nandun yung 2 shots na pinagkaguluhan talaga after nila ipakita yun sa TV. Hay...kung siguro wala akong preorder nito, 'di namin 'to mapapanood, kasi naman, first day palang ha, sold out agad!

Kaya yan...yan ang dahilan ba't ganyan si Shae ngayon.

"Bessieeeee...Baket?? Bakeeet?? Pa'no 'to nangyari sa inyo??? Huhu...hinde...ayoko...ayokooo..."

Haay... Si Shae talaga. Si Ayen naman tuloy halos speechless din...habang inaalog-alog siya ngayon ni Shae.

"Shae...t-teka...bitawan mo nga ako...Ewan ko...Di ko alam... Ngayon ko lang din 'to nalaman...."

"WAAAAAH....HINDI TALAGAAA...AYOKOOOO...huhu...AYOKOOOOO..."

Ayen couldn't do anything but sigh. Mahirap talaga yan si Shae pag ganyan. E kasi naman, 'di namin expected yun ah... Yung video kasi... heartbreaking e...

Bukod sa ang kinanta ni N dun e yung debut song niya na "Tonight," sobrang bigat nung emotion na pinakita niya. Grabe...natahimik nga kami lahat after. Siguradong pare-parehas kami ng naramdaman...

Nakakahinayang na nakakalungkot... Yung tipong ang bigat ng dating...

Kanina lang, bago namin panoorin, curious na curious talaga kami. Kahit kasi si Ayen, walang clue sa video. Kaya nung pinapanood namin, parang pakiramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko na para akong kinakabahan...parang alam ko na kung anong mangyayari pero parang in denial pa din ako. Tapos nung mapunta na sa dulo at matapos na...haay...haaay na lang talaga... Dun ko na-realize yung lyrics nung song. Yun pala yun. Haay... Natahimik talaga kami...kahit si Ayen, nakita kong tulad namin, mali pala, more than us, siya yung pinaka-nabigla talaga. Pa'no naman kasi sobrang unexpected yun. Si Shae lang naman ang 'di na na-contain yung feelings niya kaya nagngangangawa na siya pagkatapos, kasi 'di talaga siya makapaniwala kung bakit ganun nangyari...

*ring    ring*

Lahat napunta yung atensyon sa phone ni Ayen.

"Waaaah..." Nanlaki agad mga mata ni Shae nung sinabayan niya si Ayen na tignan kung sino yung tumatawag. "B-bessie!! Bessie!! S-sagutin mo na agaaad...Daliiii..."

Kapag ganyan si Shae. Ahh, alam na kung sino.

Napailing na lang si Ayen sabay buntong-hininga. "Hello?"

"Asan ka?"

Of course. Loud speaker mode nanaman. Alam niyo naman si Shae.

"H-ha? Bakit mo---?" Natigilan naman bigla si Ayen. "Hmm...teka nga lang...Ba't anlakas ng pakiramdam ko na 'di mo naman ako kelangan tanungin kase  alam mo naman ata??"

"Nice..." N sounded amused. "That's my girl..."

"Maka-my girl ka naman dyan... Kapal ah!"

"Abaaa...I wasn't thinking of anything ah...ikaw haaa...gusto mo mangyari yun no?? Naku Ayeeen..."

"Ah grabeee...Anlakas ng pakiramdam ko na nakangisi ka nanaman dyan. 'Wag ka ngang mag-feeling dyan, N ...Ba't ka ba tumawag ha??"

"Uhm... Anong tingin mo?"

Fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon