Chapter 35: The Deal

22 1 0
                                    

AYEN's POV

Nung friday ng umaga, hinatid niya na ako sa hotel.

Bago ako bumaba ng sasakyan, humingi pa nga siya ng pasensya kasi nga 'di ko daw nakasama yung mga kaibigan ko.

Medyo naguilty tuloy ako e. Pero, naintindihan ko naman kasi. Gusto niya lang din naman mag-relax tulad namin. Pero kung 'di ko siya sinamahan nun, magsosolo lang siya dun sa super laking bahay na yun. Anlawak-lawak pa man din ng lupa niya. Biruin mo na lang na may sarili siyang strawberry farm ha, pati yung outdoor garden niya na nakapalibot sa bahay niya tapos yung garden maze pa. Kahit sabihin nating andun si Uncle Pete pati si Nana Lou, iba pa 'din yung may kasama kang kaedad mo.

Pa'no kaya kung 'di ako-- I shook my head. Nakakalungkot naman ata yun.

Tinanong ko siya kung okey lang ba siya na mag-isang bumyahe pabalik.

Iba nanaman tuloy yung ngiti niya. Sabi niya, okey lang daw na hindi ko na siya samahan pauwi, kasi nga dederecho na daw siya sa schedules niya.Grabeee. Wala naman akong sinabi na sasamahan ko siya ah.

Pero actually, 'di ko talaga in-expect.

Nag-enjoy talaga akong kasama siya. Andami kong nakitang first time ko lang makita. Bahay niya pa lang, grabe na. Ngayon lang ako nakakita ng ganung bahay na parang naka-style na parang indoor garden. Bawat sulok.

Tapos yung strawberry farm niya... Grabe. Nag-enjoy talaga akong mamitas dun. Parang feeling ko nga ayoko pang tumigil. Strawberries!!! =3

Tapos yung outdoor garden niya pa, na akala ko sa ibang bansa lang ako makakakita ng ganun... Yung mga bulaklak kasi dun mukhang imported e. Yung tipong parang mga tumutubo lang sa bandang Europe o dun sa mga bansang andaming bulaklak.

Syempre, yung entertainment room niya din, na parang extension ng Empire...

May time nga na nagsuot pa kami nun ng 3D glasses e. Dun yun sa mga part na may mga laban. Ang cool kamo!

Tinanong ko pa nga siya kung pa'no nangyari yun e parang normal lang naman kaming nanonood nung umpisa. Sabi niya, may program daw siyang ginawa para maging 3D. Syempre nung sabihin niya yun, parang 'di ako makapaniwala na parang naniniwala din ako, kasi alam kong kaya niya nga yun. Basta parang ganun. Medyo natawa pa nga siya e. Tapos saka niya sinabi na yung kakilala niya daw yung nagsabi sa kanya kung pa'no gawin yun. Kakaiba pa nga ngiti niya nun kaya naitanong ko tuloy kung yung kakilala niya ba e kilala ko. Tapos nginitian niya lang ako sabay sabi ng, Malapit na.

Medyo kumunot tuloy yung noo ko kasi ang weird nung sinabi niya. Tapos nag-air swipe na siya para mag-play na ulit, kaya syempre, andun na ulit yung atensyon ko.

Tuwang-tuwa kaya siya nun. Ang kulit daw ng mga reactions ko kaya ansarap ko daw kasama manood. E syempre, 3D nga e. Edi parang andun ka mismo. Idagdag mo pa yung sound effects. Parang totoo tuloy. Bukod sa mangha talaga ako, nakakagulat din kaya yung akala mo sa'yo tatama yung tira. May pagka-4D nga din ata yun o kung ano ba tawag dun. Sinasabi ng utak ko saken na animé lang yun, pero ewan, umiiwas pa din ako kamo. Minsan pa nga, yung upuan namin, gumagalaw pa. Kaya tuloy sa bigla ko, napapahawak ako sa kanya o napapasigaw ako. Siya naman, tawa lang ng tawa. Halatang nag-eenjoy sa ginagawa niya saken. Pero okey lang, hinayaan ko lang siya. Ang importante, nakakanood ako ng Naruto.

Fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon