Chapter 27 Part 2

20 0 0
                                    

AYEN's POV

Tama ba ko ng narinig?

Hinde, hinde...Wag mo siyang tignan...

pero...

...yun ba talaga yung sinabi niya?

Huh? Nakapikit na siya??

Ba't kaya ganun? Habang nakatitig ako sa kanya ngayon, parang nawala lahat ng inis ko sa kanya...

Napangiti tuloy ako...

Alam mo, parang hindi tuloy ikaw yan...

T-teka nga...Ba't ko ba siya tinititigan?!?

Finocus ko ulit yung tingin ko sa langit.

Ewan ko ba...Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon...Magti-three weeks na din kasing parang mabigat yung pakiramdam ko. Haay... Ansarap sa pakiramdam nung hangin. Nakakarelax ung mga tunog ng mga dahon pati yung kinang nung stars.

Parang...

...ang bigat na tuloy ng mga mata ko....

NORMAL POV

"Nakuuu!!..." Biglang nagising si Ayen...

...at natigilan siya.

"Teka...Pa'no ako nakabalik dito?"

Inisip niyang mabuti. Alam niyang nakatulog siya dun, hinde, sila pala. Sa kakaisip niya nga....parang may naalala tuloy siya bigla...

Para kasing naalimpungatan ako e... o panaginip ko lang ba yun??

FLASHBACK

Teka...

Sinubukan ni Ayen na idilat yung mga mata niya...

...Parang may naramdaman akong tumatapik ng mahina sa braso ko...

"Haaay..."

Teka...Ba't andito 'to??

Semiconscious si Ayen.  

Haaay...ang bigat na talaga ng mga mata ko...

"Di naman kita pwedeng iwan dito..."

T-tekaaa...Ano bang---

Binuhat siya ni N.

Inaantok na talaga ako...

END OF FLASHBACK

Napabangon siya bigla.

Binuhat niya ako hanggang dito??

Napatakip siya ng bibig. Naalala niya kasi yung usapan nila kagabi.

"Okey na ba talaga kami??"

Binagsak niya ulit yung sarili niya sa kama. Habang nakatingin siya sa ceiling,  napangiti na lang siya. "Pwede naman siguro...Pwede din naman siguro kaming magkasundo diba?"

"Teka nga, anong oras na ba?" Napatingin siya sa phone niya. "Hala!" Napatakbo tuloy siya papasok ng banyo.

Tanghali na kasi. Buti Linggo naman ngayon kaya walang pasok...kaso lang...andami niya pa kasing gagawin. Bukod sa mga assignments at projects, magre-review pa siya. Tapos, may tatapusin pa siya ngayong gabi, sa SC naman yun.

After niyang maligo, naramdaman na niya yung gutom. As usual, yung breakfast at lunch niya naghihintay na para kunin niya dun sa may waiting table sa labas ng room niya. Dati pumipili pa siya through desktop niya kung ano gusto niya kainin, pero nung nagtagal, hinayaan na niya kung ano ipe-prepare para sa kanya. Automatic na din kasi yun, according sa preferences niya.

Fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon