Chapter 29 Part 3

21 0 0
                                    

AYEN's POV

"Saang lupalop niya naman kaya ako dinala? Parang five star hotel din 'to e...tapos parang suite room pa 'to..."

FLASHBACK

Nung pababa na kami ng kotse, nagsuot muna siya ng jacket, cap at shades. "O..."

"Ha??"

"Isuot mo na...Kelangan mo din yan..."

"Ano??" Teka nga...anong sinasabi niyang kelangan ko din 'to?? "Teka nga...ba't---"

"Isuot mo na tapos mag-hood ka ha. Isa lang kasi yung cap ko dito." Napatingin siya sa relo niya. "Halika na..." Bigla na siyang bumaba.

"T-teka..." Sinuot ko na agad yung jacket at shades tapos sumunod na ako sa kanya. Ayaw ko namang maiwan kay Kuyang driver. Mahirap na e... At least siya kilala ko.

Akala ko aalis na siya agad kaso hinintay niya talaga ako. Tapos nagulat ako nung tinaas niya yung mga kamay niya papunta sa mukha ko. Syempre yung instict ko e iatras yung ulo ko.

"Diba sabi ko mag-hood ka..." Isusuot niya lang pala saken yung hood ng jacket ko. Kasi 'to e, pabigla-bigla. Nagulat naman ako. Akala ko kung ano na e.

"Sabayan mo ako ng lakad..." Pagkasabi niya nun, naglakad na siya.

I kept with his pace. From what I learned, laging on time si N sa mga activities niya. Ayaw niya daw kasing nale-late kasi ayaw niyang pinaghihintay yung mga tao. Hmm... at least di pala siya katulad nung ibang sikat na akala mo kung sinong paimportante.

Uhm...sa may side door kami dumaan e...siguro part 'to ng pag-iingat...kaso ano ba talagang meron ngayon dito? Ano bang kelangan niya saken at sabi niya pa kanina e kelangan niya daw ako ngayon?? Di ko mapigilang mag-isip e...

Medyo mahaba-haba din yung nilakad namin bago kami sumakay ng elevator. Ay hindi pala... Nung bigla kasing bumukas yung mga yun, andaming taong lumabas at pumasok kaya bigla siyang lumiko dun sa may stairs...

Ah grabe....Anong floor ba kami pupunta?...Sabi sa sign 3rd floor na e.

"U-uy....teka lang...gaano ba kataas 'to? Anong floor ba tayo??"

"37 floors..."

"Ha?? E anong floor ba tayo at naisip mong maghagdan lang??"

"33rd..."

"ANOOO?!? Patayan ba 'to ha??"

Huminto siya at humarap saken. "Baket? Di mo na kaya??"

Medyo nainis ako dun ah. Nang-aano ba 'to?!? Tapos seryoso pa kung makatingin.

Bigla siyang ngumiti. "Biro lang..." Nilapitan niya ako. "Pagod ka na? Kagagaling mo nga lang pala sa sakit no? Sorry... Napwersa ba katawan mo?" 

Tinitigan ko talaga siya sa mata. Ewan. Tapos ngayon concerned naman siya...Ano kaya yun?? May topak din talaga 'to e...

Na-distract nanaman ako nung bigla siyang ngumiti. Naku teka...parang di ko gusto---

"Ahhh...Ano ba?!? Ibaba mo nga ako! Uy ano baaa!!!" Pinagpapapalo ko siya sa balikat.

"Pambawi 'to...Bubuhatin na muna kita..."

"No need! Ibaba mo nga akooo....Isa!"

Umiling siya. "I-conserve mo na lang yung energy mo para mamaya, okey?? I need you to be in your best condition later..." Kinindatan niya ako.

"AYOK---Teka! Ano ba talagang ipapagawa mo saken ha?!?"

Parang walang narinig. Nginitian lang niya ako ulit tapos naglakad na siya papasok sa may 3rd floor... na buhat-buhat ako!

Fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon