Chapter 28 Part 2

16 0 0
                                    

NORMAL POV

U-break ngayon at ang ANIMe nandun sa secret place nila. Pahinga mode sila ngayon.

“Ayen?”

“Hmm?” Dinilat ni Ayen yung mga mata niya at tinignan si Myrin na nakahiga sa tabi niya.

“Okey ka na talaga? Baka naman kelangan mo pang magpahinga? Kung sakali naman, mabibigyan ka naman ng special tests e…May SPA ka naman…”

Nginitian siya ni Ayen. “Myrin…masyado kang nag-aalala e…Okey na ako… Tsaka, Midterms natin ngayong week. Gusto ko sabay ako sa inyo sa pag-take nun. Buti nga review class lang kahapon e kaya okey lang na umabsent… Okey na talaga ako, kelangan ko lang talagang magpahinga…”

“Bessie… kwento ka naman...” Biglang sumingit sa usapan si Shae.

“Tungkol saan naman?”

“Alam mo na yun...”

Napatinginan yung iba sa kanila. Si Ayen patay-malisya. Kunwari ‘di niya alam kung tungkol saan yung tinutukoy ni Shae, kaso alam niya din naman na ‘di yun uubra.

“Kamusta na kayo ni N?”

Ayun nga, deretsahan talaga siyang tinanong ni Shae nun.

“Hay nakooo....change topic...”

“Ha?? Bakeeet?? Magka-chat lang tayo nung Sunday night diba? Sabi mo pa nga magkasama pa kayong dalawa nun kasi may tinatapos kayo for SC something. Na-excite nga ako nung malaman kong magkasama kayo e kaso bigla na lang kitang ‘di ma-chat---” Pumasok agad sa isip ni Ayen na dahil yun sa time lock. “Akala ko ba okey na kayo??” Si Shae halatang disappointed pero at the same time, curious.

Di muna umimik si Ayen tapos…“Akala ko din.” Binaling niya na lang yung mata niya sa taas. Biglang bumalik sa isip niya yung time na magkasama sila ni N nung gabi nung Sabado dito. Pa’no ba naman… ngayon niya lang kasi napansin na dito pala siya sa exact spot nakahiga. “Hmp.” Pinikit niya na lang yung mata niya.

“E bessie….”

“Shae…kumain ka na lang…”

Hihirit pa dapat si Shae kaso…

“Shae… ‘wag mo na munang kulitin si Ayen…Mamya nyan, mabinat pa sa kakatanong mo…Sige ka, lagot ka kay Mamu…”

“Hmm…sige na nga…”

Salamat naman. Yun yung naisip ni Ayen nung marinig niya yung sinabi ni Shae. Alam niya kasi na ‘di basta-basta mapapatigil ‘yang si Shae e.

“…next time na lang…”

Halos mapadilat si Ayen sa narinig niya. Akala niya kasi ‘wag na lang’ yung kasunod kaso ‘NEXT time na lang’ yung sinabi niya. Wala din pala akong lusot… Napabuntong-hininga na lang si Ayen.

“O Shae o…” Inabutan ni Lay si Shae ng muffin. “…para diyan na lang mabaling atensyon mo…”

“Waah…Lay ah…Pasimple ka pa ah… Parang gusto mo atang sabihing ang takaw ko e…”

“Hindi ba?” Sumakay naman si Myrin.

“Waah…grabeee… pinagtutulungan niyo ako ah…”

Nagtawanan tuloy sila. Si Ayen nga napangiti din. Rinig niya din naman kase kahit nakapikit siya. Nami-miss niya talaga yung mga ganitong bonding nila. Nung three weeks kasing nakalipas, si Myrin at Shae lang yung halos nakikita niya…sa malayuan nga lang…kasi bago sila umuwi, pinapadaan ni Myrin sa may Admin banda yung kotse niya para masulyapan man lang nila si Ayen. Pag uwian na, tatawagan siya ni Myrin para bumaba dun sa may entrance nung Admin para abangan yung pagdaan nila. Konting kaway lang tapos alis na sila. Ngayon niya lang nakita si Lay, Eliah at Aeris. Ngayon lang talaga sila nakumpleto ulit.

Fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon