ELIAH’S POV
“JAFHDSKJNFLKSDJFJSHFJSKDBFNFSBDFSNDLFKHDJFSMLSKLKHOIDHGKLSDHFGKJSDNCS”
Di pa din pala talaga maka-get over yung mga tao dun sa video.
“DGFSDBFJKSDGCJBASKJHAKKJDSGDHJBSHDSKJBSABDGJHB NMBJGDFB NSBBNVHASDBSAKDVHASCDJ”
Hay! Ang aga-aga, parang mga bubuyog.
Inubos ko na yung natitirang donut ko tapos nilagay ko na sa bag yung Propel ko.
Palabas na ako ng 711 nung may makabungguan ako.
"Ay so---"
"T*NGA ka ba?! Di mo ba nakita na papasok ako??"
Aba! E gumilid nga ako e. Siya 'tong 'di nakatingin!
"May mata ka diba? Ba't 'di mo kasi ginamit??"
"WHAT?!! What did you just say?!!"
T__T Hay. Tenga niya naman ba ngayon ang ‘di niya ginagamit??
Tinitigan ko lang siya.
“Aba, anong tingin ‘yan ha?! Antapang mo a!” Pinandilatan niya ako ng mata habang dinuduro-duro niya ako ng I-pad niya.
“Oo nga! Who do you think you are ba ha?!”
May dalawang babaeng biglang lumapit at tumabi sa kanya. Mga alipores niya?? Huh. Naalala ko tuloy yung Prima dun sa school e.
“Oo nga! How dare you! Ba’t mo siya binunggo?!?”
Aba! Talaga naman. Kasalanan ko bang naglalakad siya habang titig na titig sa I-pad niya kanina?!
Sasagot sana ako pero pinili kong ‘wag na lang. Sayang sa oras.
“And where do you think you’re going??” Hinila ako bigla sa braso nung nakabungguan ko. Nainis ako dun ah!
Hinila ko yung braso ko pero mas lalo niya pang hinigpitan yung pagkakahawak niya at hinila niya ulit ako.
Ayy!! Ano bang gusto nito ah?!!
“Bitawan mo ako!” Sinamaan ko siya ng tingin.
“Ayoko nga!”
Nagtawanan pa yung mga alipores niya. Sila naman yung binalingan ko ng tingin kaya natigilan sila.
Tinignan ko ulit yung may hawak saken. “Ayaw mong bumitaw??” Naglakad ako at nakaladkad siya.
Napasigaw tuloy siya bigla. “Ano baaaaa!!!”
Huminto ako. “Sabi ko kasi bumitaw ka diba??” >=(
Pinandilatan niya nanaman ako ng mata at nararamdaman ko nang bumabaon yung mga kuko niya sa braso ko, tapos nagawa niya pang ngumiti saken.
BINABASA MO ANG
Fall in love with me
Fiksi RemajaDefine BWISET. S I Y A. OO. SIYA! SIYA talaga yun e! Oy, iniisip niyo siguro ang OA ko no? Hindi kaya. Kung alam niyo lang….. T_T HAAAYYY NAKOOOOOO….. KAINIS!!!! Sori. T.T Di ko lang talaga mapigilan e… Baket? BAKET??? Kasi naman e…. Alam nyo yun...