Chapter 11

18 0 0
                                    

MARIENNE's POV

"Teka nga... Akala mo makakalimutan ko a... Asan ka nung concert ha??"

Tss. Tignan mo to. Nagulat talaga sya. Di nya siguro expected na maaalala ko. Aba naman! Pano ko makakalimutan e dun ko unang nakita yung lalakeng yun! E kung sana kasama ko sya pwedeng naiwasan ko sana yung nakakainis na nangyari saken (lagi kasi ako sinasamahan nyan sa CR).

"O baket di ka makapagsalita, Myrin? Wag mo sabihing di ka pumunta?? E napa-oo lang ako ni Shae kasi tayong tatlo daw manonood. Wag daw akong killjoy...tapos ikaw yung wala dun?!?"

"Pumunta ako..."

(A/N: Malalaman nyo yung talagang nangyari kay Myrin dun sa sarili nyang story... =) Oo...sariling story... Abangan..=D )

.........................

Di nya matatago saken yun... Kilalang-kilala ko kaya sya... Kala nya a....

Aba naman kasi... Ayaw pa sabihin saken e... Halata ko naman kaya... Nako Myrin...

Kanina kasi....

Tinitigan ko sya na nakataas yung isa kong kilay. Hmm...may something dito e...

Sabi ko na nga ba e. Umiwas ba naman ng tingin AT

nag-BLUSH ha!

"Myrin..." Yan palang sinabi ko ...

"A-ano kasi..." Nautal na agad sya.

Nako. Nako talaga. Nung itatanong ko na kung ano yung nangyari, aba sakto namang nasa tapat na pala kami ng building namin. Ayun, nagpaalam na tapos dali-daling bumaba ng kotse.

Yun yung nangyari kanina. O diba may something??

Haay...

Teka,nagtataka kayo kung bakit kami nalang yung magkasama? Ganito kasi yun..

Diba nag-uusap-usap kami kanina dun sa secret place namin? Naghiwa-hiwalay din kami kasi sabay-sabay kaming naka-receive ng text galing sa Admin. Kelangan by 1pm nasa respective classrooms na daw kami. Weird naman. Baket kaya? Walang may idea samin e pero syempre nagmadali na kami. Di naman ako pwedeng pagala-gala diba (para nga daw ma-maintain yung peace and order diba... T.T ), kaya sabi ni Myrin sabay daw kami sa kotse nya kaso syempre di ako bababa sa building namin, alam nyo naman na kung san ang derecho ko e. Haay..

Napaisip tuloy ako...

Kakaiba yung university namin no? Bukod sa sobrang hi-tech...hindi to open sa public. Oo, private to syempre, pero ang ibig kong sabihin sa 'hindi to open sa public' e hindi ka pwedeng makapasok dito basta-basta. Hindi to tulad ng ibang university na magte-take ka ng entrance exam tapos pag pumasa okey na pwede ka nang mag-enroll.

Iba dito.

Sa senior year ng mga highschool students, nagpapadala sila ng mga sulat na nagsasabing qualified ka na makapasok sa university na to. Tapos may schedule ka ng pagpunta mo dito para dun sa data at files na kelangang makumpleto para sa formal entry mo sa course mo. Yung pagpunta mo dito yung parang entrance exam...kaso walang pass o fail..Pag pumunta ka, ibig sabihin tinanggap mo yung offer na dito mag-aral...Automatic enrollment kumbaga.

At pag sinabing qualified, ibig sabihin may nakita sila sayo... something special daw o unique.. Iniisip ko nga kung ano yung nakita nila saken? Syempre,nakaka-curious kaya.. At tsaka, pano kaya yun? Namomonitor ba nila bawat school para malaman nila kung sino yung mga qualified students? Ang weird no tsaka parang ang hirap isipin kung pano yun...Uhm...pero sa mga na-experience ko, tingin ko di nga siguro imposible yun...

Fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon