MARIENNE's POV
Nung sinundo ako ni Myrin kahapon tin-ry ko yung best ko na iparamdam sa kanya na okey lang ako... I tried to indulge her in our same old conversations. Alam kong iniisip niya kung talaga bang okey na ako...pero nakakatuwa na na-enjoy niya yung kwentuhan namin...kaya tingin ko medyo nawala na yung inaalala niya. Ako din e...kahit pa'no gumaan pakiramdam ko kasi na-divert yung attention ko...
Andame-dame naming pinagkwentuhan. Kung anu-ano. Tapos, bigla na lang napunta sa E-class.
"Pa'no mo nagagawa yun?...Ang galing!"
"E-class nga..Baket ba manghang-mangha ka masyado,Myrin? "
"E kase diba nung highschool, nakaka-experience na din tayo ng e-class?...e kaso ibang klase kase yung dito e..kahit tanungin mo pa si Shae..."
"Hmm..alam kong sobrang hi-tech talaga dito pero pa'nong iba? Describe mo naman saken...Naku-curious din kasi ako e kung paano yung dating dun sa inyo sa classroom...Ako kase pag andun sa room ko sa admin,nakakasabay ako sa inyo through e-class..."
Halatang lalong na-curious si Myrin. "Kwento mo saken kung pa'no...yun talaga gusto ko malaman e..tapos kwento ko din kung pano yung sa classroom..."
"Simultaneous...sabay ako sa inyo sa oras ng classes...May desktop ako...as in literal...laptop na desk...diba nakwento ko na sa'yo yun?"
Tumango siya na ang ibig lang sabihin ay ituloy ko lang yung kwento ko.
"Tapos basta oras ng klase natin, automatic nag-aactivate yung desktop...pati yung front wall ng room ko biglang nagiging parang LED kaya nakikita ko kayo...yung professors at buong class...parang nkaupo lang din ako sa klase na nakikinig..."
"Wow...kaya pala e... E pano yung sa mga quizzes at short tests? Tsaka lalo na yung sa recitation, pa'no mo yun ginagawa lalo na yung oral?"
"Uhm,pag e-test o e-quiz kayo sa classroom, ganun din yung akin,nagsa-start yung quiz o short test ko kasabay ng inyo at pag natapos yung time,mawawala na rin yun sa screen ko, kaya dapat maipasa na agad before matapos yung time... "
"Ah ok..e pano pag written type kami? Pano mo pina-pass sa professor yun? Tsaka kelan niya mare-receive yun?
"Ganun pa din...automatic mawawala sa screen ko sakto dun sa time limit na sinabi ng prof kaya dapat ma-click ko yung "Pass." Tapos automatic din yun mare-receive ng professor natin dun sa tablet na hawak niya. Pansin mo ba na lagi nilang hawak yun? Kase sa klase natin, may estudyante sila na under ng SPA kaya dapat lagi nilang hawak yun."
"Ahh..so ganun din pag written at oral recitations? Sine-send mo din sa kanila mga sagot mo? Sa written, nai-imagine ko na na pinapasa mo before ng time limit. E pano pag oral?"
Napangiti ako. "Eto gusto ko...diba alam mo naman na mas gusto ko written kesa oral kasi pag oral,pag sumagot ka, tatayo ka pa tapos nakatingin sa'yo lahat?" Tumango siya. "Kaya mas feel ko mag-recite ngayon kasi ako lang mag-isa dun sa room ko e. Pag may tinanong yung prof at alam ko yung sagot, tina-touch ko lang yung "Recite" dun sa screen ko. Magkakaroon ng notification dun sa hawak niyang tablet. Mababasa niya yung ni-recite kong sagot. Ang galing no?? Nire-recite ko orally pero nako-convert. O kaya,pwede na lang nilang pakinggan. Pansin mo yung parang maliit n earpiece na nakakabit sa left ear ng professors? Kaya feel na feel ko mag-recite e.."
"Wooow...kaya pala e..Alam mo ba na napapansin namin ni Shae yung desktop mo dun sa classroom.. Pa'no kase napapagitnaan kasi namin yung desk mo...Yung sa classroom naman,naka-desktop din kami pero di kasing hi-tech ng sayo. Bale yung samin kase desk talaga tapos pag kelangan na sa e-tests,yung desk nagse-separate sa gitna,tapos aangat yung super flat na monitor tapos magsa-slide out yung touchboard. Yung sayo hindi na umaangat pero open din tulad nung amin,kaso nagtataka kami kasi dapat nasa homescreen lang yun pero hinde e..naka-link siguro yun sa desktop mo dun sa admin... Tsaka kaya pala pag may tinanong yung profs, madalas bigla na lang silang titingin sa tablet o may pipindutin dun tapos magsasabi ng "OK" tapos idi-discuss na yung sagot. Yun pala yun e...ikaw pala kasi e...nako, alam mo akala tuloy ng buong klase may pagka-weird minsan yung professors, nagkakatinginan pa nga kami ni Shae e, kase naman..tanong nila,sagot din nila...*grins* "So ikaw yung other student na sinasabi ng professors natin??..."
BINABASA MO ANG
Fall in love with me
Fiksi RemajaDefine BWISET. S I Y A. OO. SIYA! SIYA talaga yun e! Oy, iniisip niyo siguro ang OA ko no? Hindi kaya. Kung alam niyo lang….. T_T HAAAYYY NAKOOOOOO….. KAINIS!!!! Sori. T.T Di ko lang talaga mapigilan e… Baket? BAKET??? Kasi naman e…. Alam nyo yun...