Chapter 32 part 3

8 0 0
                                    

ELIAH's POV

Ahh... So siya pala yung ate ni Lay...

"Di nga Lay??? Di nga?!?"

Si Shae, hyper mode nanaman sa pagtatanong. E syempre, nakakagulat nga naman talaga... lalo na, nakatabi niya pa kanina ah.

Nung umakyat si Myrin kanina, syempre nag-cheer yung mga 1st year, lalo na kami AT LALO na si Shae. Grabe nga makatili e, pero napansin ko din yung grupo nila Prima. Tss. Mga mukha ng mga yun!

Yung sa 2nd year, todo cheer din yung level nila. Pero nung umakyat yung ate ni Lay, ibang klase yung hiyawan, pati yung mga 2nd year ha. Kaya yung mga 1st year, takang-taka tuloy.

"Grabe naman yung ate mo, Lay! Parang idol lang ah! Sikat?!?"

Si Shae, parang 'di makapaniwala sa impact nung ate ni Lay sa audience.

"Ayaw niyang tatawagin siyang ganyan. Magagalit 'yan. Role model pwede pa."

"Weh. Di namaaan... Mukha namang mabait yung ate mo e. 'Kaw talaga, tinatakot mo lang ako kanina no?"

"Ano bang---?" Medyo kumunot tuloy yung noo ni Lay. "Alam mo Shae, ang weird mo nanaman ah. Kung magsalita ka kasi parang nakasama mo na yung ate ko..."

"Aba Lay. Hindi ako weird ha. Actually, 'di ko lang siya nakasama ah, magkatabi pa---"

Di na natuloy ni Shae yung sasabihin niya dahil na-distract kaming lahat nung i-announce yung pagkasunod-sunod ng titira.

Una yung 2nd year, pangalawa si Myrin tapos pangatlo yung ate ni Lay.

Umupo na silang tatlo dun sa table s gitna.

Ayos ah...

 

Nakaharap sa audience, ganito yung posisyon nila: Si Myrin nasa left, yung 2nd year nasa right tapos nasa gitna yung ate ni Lay. Astig lang e. Like a boss lang yung ate niya. Anlakas ng dating tapos saktong nasa gitna pa.

Sa table na yun, biglang may mga umangat na parang tablet sa harap nilang tatlo. Yung dalawa, sanay na syempre. Si Myrin naman, magaling din yung expression ng mukha. Sinarili niya lang siguro yung gulat niya kahit siya lang ang first-timer dun. Di halata e.

May sari-sarili din silang screen na naka-focus sa kanila. Parang ang hirap ng ganyan. Kitang-kita yung expression ng mukha mo. E pa'no na lang pala kung nahihirapan ka na? Edi kitang-kita??

 

Tapos, bago ipaliwananag yung instructions, yung surface ng table, bigla na lang naging scrabble board. Yung buong table ha! Tapos yung malalaking screen na nakasabit sa gitna, yun yung pinapakita. Kaya siguro mamaya, makikita namin dun yung bawat tira nila kasi sa bawat anggulo, nakatapat yung screens na yun.

Fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon