N's POV
FLASHBACK
"Alam mo na pala..."
"Hay nako! Kung mag-eexplain ka lang tungkol dun, no need."
"Baket? Wala lang ba sa'yo yun?"
"Baket?? Tingin mo affected ako??"
"Oo naman...tungkol y---"
"Wag na! Di ako interesado." She flatly said that.
Tapos sakto pang tumigil yung kotse.
"Bababa na ako. Salamat na lang sa paghatid."
I held onto her wrist. "Kelangan pa nating mag-usap..."
She looked back at me. "Diba sabi ko, I'm-NOT-interested." Hinila na niya yung wrist niya tapos pumasok na siya agad sa loob ng gate nila.
END OF FLASHBACK
Haay...
Simula nun, 'di pa kami ulit nakapag-usap.
Sa halos three weeks na 'di kami nagkita, pabalik-balik lang yun sa isip ko.
When that controversy erupted, yung agency yung humarap sa media tapos ako naman mas naging packed ang sched here and abroad. Alam ko naman yung gusto nilang gawin e. Gusto nilang mamatay yung issue tungkol dun. Haaay... Andami kasing various reactions e...Buti yung iba na-curious lang kung totoo ba talaga tapos kung totoo, sana bagay daw kami... pero mas maraming violent reactions e...Alam niyo na, yung mga fans na inaangkintalaga ako na kanila lang...
After nung gabing yun, bigla akong nagka-sched sa Japan kinabukasan, kaya no choice ako. Yung schedule ng flight ko, 3am na agad. I tried to call and tell her but just the same, she didn't pick up. Inisip ko na lang na baka tulog na siya... kaso nung umaga, wala man lang siyang text kung bakit ako tumawag.
Hinihintay ko siya ngayon. Oo, nakabalik na ulit ako. Sa buong period na yun, 'di niya talaga ako sinasagot, kahit sa e-mail. Uhm, sumagot pala siya...pero dun lang sa mga tanong ko about SC matters...kaso ang sagot lang naman niya palagi either "Ako na po bahala, Mr. President" o kaya "Tapos na po, Mr. President." Puro ganun lang. Kapag bigla ko nang iibahin usapan, wala na ulit. Ano ba yun? Galit ba siya o ano? Saan naman??
"Kuya...balik na po---"
As expected...
Natigilan siya nung makita niya ako.
Tapos, bigla na lang siyang lumabas ng kotse. Syempre, sinundan ko.
"Teka, saan ka pupunta?" I grabbed her by the wrist. Grabe, ambilis niya. Kung na-late lang ako ng konti, nakatakbo na 'to e.
She stared at me, yung tipong asar na nagpipigil. "Asan na si Kuya driver??"
"Pinaalis ko muna..."
"Ba't mo pinaalis ha?!?"
"So we could talk..."
"E kung AYOKO??..." Lalong nagsalubong yung mga kilay niya.
"E GUSTO ko, pa'no yan??"
I felt her strength against my hand. Binitawan ko siya.
Siguro mga ilang segundo yun na 'di siya nagsalita, nakatingin lang siya saken.
"Nakakainis ka na talaga ah! Hindi ba nakukumpleto yung araw mo na 'di mo ko bwibwisitin ha??!"
"Hindi e..."
She glared at me.
"What I meant was..." I grinned at her. "It's lacking without you..."
BINABASA MO ANG
Fall in love with me
Teen FictionDefine BWISET. S I Y A. OO. SIYA! SIYA talaga yun e! Oy, iniisip niyo siguro ang OA ko no? Hindi kaya. Kung alam niyo lang….. T_T HAAAYYY NAKOOOOOO….. KAINIS!!!! Sori. T.T Di ko lang talaga mapigilan e… Baket? BAKET??? Kasi naman e…. Alam nyo yun...