Chapter 32 Sports Fest Finale Part 1

17 1 0
                                    

(A/N: Pasensya na po. Hati pa din pala "tong last part ng Sports Fest. Nakailang try na ako pero ayaw talaga mag-upload ng buo. Laging nag-uunresponsive e. Sobrang laki kasi ng file kasi mahaba pa din talaga 'to.  Kaya ayun, nag-decide na akong hatiin. Super natagalan. Sobrang busy po kasi e.)

LAY's POV

Nag-lunch break muna after i-take ni Ate yung Challenge. Andito ulit kami sa room ni Eliah sa clinic.

"Sayang no. Kung siguro tayo din nanalo sa Stunts, wala na sanang Deciding Game."

"Wala tayong magagawa, Lay..." Napakibit-balikat pa si Eliah. "Expert na talaga sila dun kasi 3rd year na sila e, tapos gumamit pa sila ng tumbling skills. Kapag nag-tumbling ka papunta sa stunt tapos nag-land yung mga paa mo sa mga kamay ng mga  base mo, ready to prep, yung load, kasama yung tumbling,  two to three counts lang. Pag nag-add ka ng ganung element, magmumukhang creative at advance talaga yung stunts."

"Grabe Eliah..." Medyo napanganga si Myrin. "Sana nakita kitang gawin yun."

Nginitian niya lang si Myrin sabay kibit-balikat.

"Alam mo Eliah, ang tingin kong nangyari kanina, mas mahirap na stunts, mas malaking reaction sa audience."

"Ganun talaga, Lay. Syempre 'pag mas mahirap, mas tatatak sa isip. Magaling talaga ate mo. Yung pag-a-alternate ng timing sa iba-ibang sides ng pyramids, gumagawa ng mas magandang visual appeal kaya yung stunt, nagmumukha lalong mas mahirap."

"Ah...so you mean Eliah, that makes the stunt look more difficult than it is?"

Tinanguan ni Eliah si Myrin. "Ang galing ng execution nila diba? Pero actually, skill yun na pwedeng maging common na lang sa'yo 'pag lagi mong pina-practice. Ang ganda ng effect ng mga stunts nila, kaya nagmumukhang mahirap talaga gawin."

"Oo nga. Samahan mo pa nung squad tumbling na ginawa nila. Parang high difficulty skills yun e."

"Oo Lay. Kasi lalong magiging astig tignan yung performance kung may mga “specialty” or “elite” tumbling tricks na kasama."

"Pangalan pa lang, bigatin na ah." As expected kay Ate, syempre ganung level yung gagamitin niya.

May bigla tuloy akong naisip."Speaking of tumbling, na-curious tuloy ako. Alin ba yung pinakamahirap?"

"Pinakamahirap?" Bigla ding napaisip si Eliah. "Standing full??" Medyo 'di siya ganun kasigurado. "Elite trick yun. Di lahat kaya yung gawin. Ang ibig kong sabihin, yung TRUE standing full ha. 'Pag sinamahan mo ng steps yun, 'di na yun dapat i-consider na standing tumbling diba?"

Tumango ako. "Oo nga naman."

"Common nang makakita ng isang level 3 team na halos half-squad nun e gumawa ng running front tucks, na para saken e isa sa mga pinakamagandang paraan para ma-max out ang level 3 running tumbling.  Pero 'pag may nakagawa ng standing front tuck, true showcase yun ng tumbling move.  Tsaka kung tutuusin, yung totoong standing front tuck, mahirap talaga. Halos lahat nga siguro ng mga cheerleaders e magto-toe touch muna para makabwelo para magawa yun."

Fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon