One

294 10 5
                                    


The Beginning...

Sa ngayon, walang pasok ang klase nina Luna dahil nasa schedule nila yun. MWF kasi ang pasok nila pero, kahit sabado ngayon, nasa school sila para ipasa ang final edited nilang manuscript para ipa-ringbind ng kanilang prof. Sabi kasi ng prof nila ay ang school na ang magpaparingbind pero sila ang magbabayad.

"Luna, wait ka lang ah. May hinihintay pa tayong dalawang grupo."

Bungad sa kaniya ni Renz pagkarating na pagkarating niya sa school. Hingal pa siyang nang lumapit dito.

"Wala pa?"

"Wala pa."

Napabuga siya ng hangin sa kaalamang hindi siya late kahit late na siya sa oras na binigay ni Renz sa kanila. Si Renz ang mayor o class president ng kanilang klase, hindi niya alam kung ito rin ba ang leader ng grupo nito sa research kasi ang alam niya, leader lang ang pupunta.

Well hindi naman siya leader.

Pero feeling niya kasi ay siya lang ang may kayang makapunta at para bang nasesense niyang may responsibilidad siyang pumunta sa school at siya ang mag-aabot ng mga bayad nilang magkakagrupo para sa ringbind. Na kung tutuusin ay abono niya muna dahil ang tagal magbayad ng mga kagrupo niya sa gcash. Pati yung may-ari ng gcash na gagamitin niya sana para macash out ang lahat ng ambag ay hindi pa gising para maibigay sa kaniya ang authentication number nun. Napailing na lang siya.

Sana kasi kagabi ko na lang inasikaso. Nalate tuloy ako. Pero buti na lang hindi ako yung mas late hehe.

Kahit sobrang badtrip na badtrip siya kanina dahil hindi man lang nag-online si Shane ay iniwasan niyang magalit. Ito pa naman ang bestfriend niya, ayaw niyang magkagalit silang dalawa dahil sa research.

"Kanina pa kayo?" sabi na lang niya sabay upo sa gutter dahil sa sobrang pagod at init ng panahon.

"Di naman, sakto lang. Nakapagprint ka na?" sabi ni Renz.

"Oo."

"Siguro naman mura na yung naprintan niyo?"

Natawa si Luna sa sinabi ni Renz. Alam pala nito ang naging sitwasyon nila noong mga panahong nagpapaprint sila ng 3 copies para sa mga panelist nila.

"Bakit? Anong nangyari?" sabi ng isa pa niyang kaklaseng si Loresa na nakaupo rin sa tabi niya.

"Umabot kasi sa 1.5 yung nagastos nila sa print nung magdedefense."

"Oh!? Ano yun ginto!?"

"1.3 yun. Tapos ang dami pang mali." sabi ni Luna.

"Hala edi sayang!" bulalas na lang ni Loresa.

"Naalala ko si Byron nung nakaraan, nanlulumo siya tapos nakwento niya sakin yung nangyari." sabi ni Renz.

"Gagi magkano isa?" tanong ni Loresa.

"Ano ba nangyari? Ba't ang mahal? San kayo nagpaprint?" dagdag pa ni Renz.

"Kina Janille."

"Sa mismong bahay nila o malapit lang sa kanila?"

"Sa kanila, sa malapit."

Napatango ang dalawa. "Ah... Kaya." sabi na lang ni Renz.

"8 pesos yung print, 4 pesos yung photocopy." sabi niya pa. "Lahat nga rin kami nanlumo eh. Di kami makamove on hanggang pag-uwi. Di na nga namin siya pinaambag." dagdag niya pa.

"Gagi ang mahal naman ng isang kopya." sabi na lang ni Loresa.

"Daig pa yung presyo ng chichirya kainis."

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon