Twenty-eight

56 4 0
                                    


Urgent!

+++++

"Isama mo kami sa pag-alis niyo, Luna."

Napatingin ang lahat kay Misha na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang braso nito.

"Wha—"

"Hindi ko na kaya..." panimula ni Misha.

"Hindi ko na kayang sikmurain ang pambababoy na ginagawa niya sakin. Samin... Mas... Mas maganda pang magpakain na lang sa mga z-zombies kaysa ang manatili dito at babayun ng kung sino-sino lalo na ng matandang yun."

"Misha..." sabi na lang ni Vian.

"Ako rin. Hindi ko na rin kaya."

Napatingin naman si Luna kay Mariel na nakayuko na.

"A-ang hirap magpanggap na... Na gusto mo ang pambababoy nila sayo... Gusto kong umalis pero hindi ko alam kung pa'no." hindi nagsalita si Luna.

"Mahigpit ang seguridad sa pinaka-entrance nitong lugar. Ang mga sasakyan ay sinisira rin kinabukasan pagkatapos makarating dito. At wala talagang pinapalabas dito kahit gustuhin mo. Kung gusto mo mang lumabas... Sila na ang gagawa ng paraan."

"Anong paraan?" tanong ni Luna.

"Pagpatay."

Napatingin si Luna kay Vian. "Sila na ang papatay sayo."

"Pinatay nila ang tatay ni Vian." patuloy ni Misha na ikinatingin ni Luna dito. "Ganun din ang kapatid ni Mariel. At ang nanay ko... Pinahirapan... At binbaboy nila... Hanggang sa mabawian na ito ng buhay. Samantalang kami... Wa-wala kami magawa..."

Napatingin si Misha sa kaniya. Nangingilid na ang mga luha nito na pinipigilan lang bumagsak. "Sa araw-araw na nandito kami, hindi kami makatulog nang maayos dahil sa nangyari sa mga mahal namin sa buhay. Wala kaming ginawa. Dahil duwag kami. T-tama... D-duwag kami..."

"H-hanggang sa dumating kayo... Ikaw. Wala kang takot na hinarap at kinausap si Harold—"

"Sino si Harold?" biglang tanong ni Luna.

"Si heneral yun." sabi ni Vian.

"Ay..."

"Ang tagal mo na dito, hindi mo pa alam pangalan niya?" kunot-noo na sabi ni Misha.

"Sorry, nakalimutan ko eh..."

"Panira ka ng moment, Luna. Alam mo namang nag-eemote si Misha eh. Minsan lang yan." biglang hirit ni Vian na ikinatawa bigla ni Mariel. Napailing na lang si Misha.

"Sorry naman! Aba, need ko kilalanin ang mga taong may banta samin. Mahirap na. Yung mga banta na yan, mapagpanggap. Kapag napalagay ka na sa mga yun, tsaka ka nila sasamantalahin."

Napatango si Misha. "Tama. Si Harold. Ang heneral ng mga bantay na militar sa lugar na 'to. Akala ko, namin, mabait siya. Mapagkakatiwalaan. Pero mas malala siya. Kaya walang sumusuway sa kaniya. Hanggang sa makita ko ang pag-uusap niyong dalawa nitong nakaraan. Wala akong nakitang takot na nakikita sayo. Kaya umasa ako. Umasa ako bigla sayo."

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon