Twenty-four

61 3 0
                                    


Rumble

******

"Kasama namin siya kaya wag kayong sumapaw."

Gulat ang lahat na nakakita sa inakto ni Luna. Napayakap na lang siya kay Vian dahil sa tangkad ng babae para maihigit ito palayo sa lalaking nambabastos dito.

Ayaw talaga sa lahat ni Luna ay ang mga lalaking bastos at manyak.

"Tara na nga! Mamaya na tayo bumili!"

Hindi mawala ang gulat ng mga taong nakakakita sa nangyayari dahil talagang hindi pa niya binibitawan si Vian mula sa pagkakabuhat nang magsimula siyang lumakad papakayo sa underware stall. Kahit sina Mariel at Misha ay napatanga pa bago sumunod sa babae.

"Ah— L-Luna bitaw na."

Gulat naman si Luna nang mapagtantong buhat-buhat pa si Vian. Nakaramdam siya ng hiya kaya agad niya binitawan ang babae.

"G-gomen! Sorry di ko sadya."

"Hahahaha! Oks lang. Ako nga 'tong nahingi ng sorry hehe."

Napatingin siya kay Vian na nagkakamot sa pisngi at kitang kita niya ang pamumula ng mga pisngi nito.

"Bat ka nagsosorry?"

"HOY!"

Napatingin na silang dalawa nang marinig ang boses ng isang lalaki. Ito ang isa sa mga lalaking nambastos sa kasama niya. Papalapit ito sa kanila.

"Shit, alis na tayo!" sabi ni Luna at inaya ang mga kasama na umalis agad na ginawa nila.

Mas sumingit sila sa dami ng mga tao kaya hindi na nakasunod pa sa kanila ang mga lalaki.

"Kaasar! Lumayas kasi kayo diyan!" Inis na sabi ng isang lalaki at tinulak ang babaeng nasa tapat niya na naglalakad lang.

"AAHHH!!"

"Yari talaga kayo sakin. Lalo na yung bagong babae." galit na galit na sabi nito.

"Abangan na lang natin sa labas pre hehe." sabi ng kasama nito na ikinasingi ng ilan.

Samantala, napahinga naman nang maluwag sina Luna nang makitang hindi na sila sinusundan ng mga lalaki. Gusto sana tanungin ni Luna kung bakit magkakilala ang mga lalaki at ang mga kasama niya pero di na niya nagawa dahil akala niya baka ayaw ng mga babae pag-usapan iyon.

At isa pa, galit na galit talaga siya kanina lalo na sa walang habas na pambabastos ng isang lalaki kay Vian.

"Ilibot niyo na lang ako sa ibang parte dito. Mamaya na tayo dun kasi nandun pa sila eh hehe."

Nakatingin lang si Misha nang seryoso sa babae. Pilit namang napangiti sina Mariel at Vian.

"O-oo tama! Kuha na lang tayo ng pagkain natin." sabi ni Mariel.

"Talaga? Wait, sure bang wala talaga bayad?" tanong ni Luna.

"Oo nga, tara na!"

Paalis na sana ang tatlo nang magsalita si Misha.

"Sandali."

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon