Finale Chapter

146 8 3
                                    


Triggered

+++++

Patuloy pa rin sa pagtakbo sina Diane. Nasa harapan na nila ang military-type helicopter na susundo sa kanila na halos kararating lang. Malaki ang dinalang helicopter dahil inakala ng lahat na marami-rami sila.

Habang papalapit sila ay nagbukas ang pinto ng helicopter at lumabas doon ang isang lalaki na unipormado.

"Diane!"

Umiyak na naman si Diane nang makita ang pamilyar na lalaki na lumabas ng helicopter.

"Santi!"

"Pumasok na kayo dito! Dali!" sabi ni Santi.

Agad na pumasok sina Diane. Samantala, napalingon sa likod si Winston at napansin niyang wala pa sina Luna.

"Shit, Luna!"

Akmang babalik na naman siya nang bigla siyang pigilan nina Mendoza at Santi.

"Hindi ka na babalik dun!" sabi ni Mendoza.

"Yes. Ako na bahala. Pumasok na kayo." sabi ni Santi.

"No! Luna's— UGH!"

Sinuntok ni Santi nang malakas sa sikmura si Winston kaya nanghina ito at napaluhod. Inakay naman ito ni Mendoza.

"Thank you!" sabi ni Mendoza at inakay si Winston. Tumango na lang si Santi.

"AAAAAAAHHHHHHH!!!"

Napalingon silang lahat sa dako kung saan nila narinig ang paghiyaw na yun. Kabang kaba at naluluha pa rin ang lahat dahil hindi pa nakakapunta ng helicopter sina Luna.

"Si Luna... Si Luna!" naiiyak na naman na sabi ni Shane.

"Wag ka mag-alala, pupuntahan na sila ni Santi." pagpapagaan ng loob ni Diane kay Shane.

Samantala, mabilis na pinuntahan ni Santi ang lugar kung saan narinig niya ang paghiyaw. Ilang sandali pa, nakarating na siya malapit sa pinto ng rooftop. Nanghinayang siya nang maabutan niya ang dalawang lalaki na nakahandusay sa sahig at naliligo sa mga sariling dugo. Butas ang bandang dibdib ng dalawang lalaki. At ang isang babae naman na nakatalikod sa kaniya.

Hawak ng isang nilalang ang babae sa batok at braso nito. Mabilis na pinuntahan niya ang kakaibang nilalang at sinipa nang malakas sa tagiliran kaya napalayo ito sa babae na napaluhod.

Agad na binuhat niya ang babae at nilayo sa lugar pero natigilan siya nang harangan siya ng kakaibang nilalang na ngayon niya lang nakaharap.

"Sad to say pero magiging zombie na yan. Huli na naman kayo." nakangising sabi ng kakaibang nilalang.

Nakakaramdam siya ng kakaiba at kakila-kilabot na aura sa lalaking kaharap kaya hindi siya nagkakamali. Ito ang isa sa mga nagpalaganap ng sakit na naging sanhi ng pagkakaroon ng zombie apocalypse sa iba't ibang panig ng mundo.

"Nagagalit ako sayo." sabi ni Santi.

"Ow? Talaga? Galit yan?" natatawang sabi ng lalaki.

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon