Twenty-three

60 2 5
                                    


Wandering

Warning: may spg scene sa kabanatang ito. Mas mabuti nang ready kayo para di mabigla. Salamat sa pagbabasa!

******

"What's happening?"

Napatingin ang lahat sa nagsalita. Gulat ang ilan nang makitang si general pala ang taong yun at lumalapit sa kanila.

"Ge-general..."

"Oh, officer Carlos. Anong nangyari?"

"Officer siya?"

"Nyeta. Kaya pala ang lakas ng loob!" bulong ni Troy kay Renz.

"Pasensya na sir. Dinidisiplina ko lang ang mga bata." sabi ng lalaki na nagngangalang Carlos.

Halos mapaismid ng sabay sina Winston, Evan at Troy. Napalingon dito ang mga kaharap.

"Oh ayan general oh! Ang babastos!" sabi ni Carlos na parang batang nagsusumbong sa tatay.

"Pasensya na po general, nagpapraktis lang naman po kami dito sa punching bag. Hindi naman po namin alam na may teri-teritoryo dito." sabi ni Evan.

"Yeah, even the lady receptionist said that this place is free for everyone." habol ni Winston.

"At nauna po kami dito. Kaya nagamit po namin." sabi ni Troy.

Lalo namang nanggalaiti si Carlos dahil alam niyang may point siya. Ang grupo kasi nila ang isa sa iniilagan ng mga tao sa gym. Bukod sa mukha silang nakakatakot dahil sa laki nila, alam ng lahat na mga pulis sila.

"Hmm... Ganun ba." napatingin ang general sa pulis. "Kung gusto mong gumamit ng punching bag, bakit hindi mo sila hamunin sa sparring?"

Nagulat ang lahat sa suhestiyon ng heneral. "P-po?"

"Tutal execise lang naman ito bakit hindi kayo magsparring? Kung sino manalo, iyon ang masusunod. Ganito ang kasunduan ng mga tunay na lalaki hindi ba?" nakangiting sabi ng heneral.

Maya-maya ay napangisi si Carlos at tiningnan ang apat na lalaki.

"Oo nga naman. Bakit hindi tayo magsparring para magamit niyo ang malalakas niyong braso. Diba?"

Tumango-tango pa ang heneral na lalong ikinasama ng loob nina Winston. Hindi nila akalain na isasuggest ng heneral ang ganung bagay. Hindi nila alam kung nagpi-feeling bayani ba ito o gusto rin makakita ng away. Dinadahilan lang ang sparring.

"Oh? Wag niyong sabihing ayaw niyo? Ha! Nagpapasikat lang pala kayo dito, wala naman pala kayong ibubuga—"

"Fine. You want a fight?"

Natigilan ang lahat nang biglang magsalita si Winston. Sobrang seryoso na ng mukha ng lalaki. Lihim na napangisi ang heneral.

Samantala, nasa gilid lang sina Misha, Vian at Mariel na nakikiusyoso din sa malapitang gulo.

"Mga bagong salta daw sila dito?" sabi ni Vian.

"Oo. Siguro mga kasama 'to ni Luna." sabi ni Mariel.

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon