Sixteen

73 6 2
                                    


Next Destination

*****

"Ako 'to..."

"S-sir..."

BLAG!

Napalingon ang dalawa sa gate at nakita nilang may bumagsak na tao galing sa taas ng gate. Nang makatayo ito ay doon nila nalamang zombie ito.

"Shit!"

Agad na sumugod ang isang zombie sa kanila. Mabilis na nilapitan ni Mendoza ang zombie, sinipa sa sikmura ito dahilan upang mapalayo ito sa kaniya. Nilapitan niya ito at malakas na pinagtatataga ang leeg ng zombie hanggang sa matanggal ang ulo.

Napatulala na lang si Luna sa lalaki na hinihingal. Hanggang ngayon ay hindi pa matanggap ng utak niya ang nakikita niya sa kaniyang harapan.

Maya-maya ay lumingon ang lalaki at ngumiti sa kaniya. Napakurap siya.

"B-buhay ka sir..."

Natawa nang bahagya si Mendoza. "Oo eh... Mahabang istorya."

Tahimik lang si Luna na nakatingin sa sir niya. Ang alam niya kasi ay mababa ang posibilidad na makaligtas ito mula sa isang malaki at mabilis na halimaw.

Grrrr... Blag! Blag!

Napatingin silang dalawa bigla sa gate at nanlaki ang mga mata niya nang makitang may iilang mga zombies ang sinusubukang umakyat sa gate. Tiningnan din ni Luna ang baba ng gate at doon niya nakita ang daming mga pares ng paa sa labas.

"Pvta! Delikado!" pabulong na bulalas niya at saka inihanda ang sarili.

"Nasan ang iba?" sabi ni Mendoza na nakatingin sa taas ng gate. Nakaporma na rin ito para lumaban.

Sasagot na sana siya nang may magsalita sa likuran nila.

"What the fvck!?" mahinang bulalas ni Winston. Dala nito ang bagong itak at kasama nito si Evan.

"Gising na ba silang lahat?" tanong ni Mendoza.

"Yeah." sagot ni Winston.

Kasabay nun ay may limang zombie ang bumagsak mula sa gate. Agad na sumugod si Mendoza at sinipa ang nauunang zombie sa lima pagkatapos ay tinaga ng dalawang beses ang kalapit nitong zombie sa leeg. Sinugod din ng tatlo pa ang tatlong zombie. Nagkalat na nang tuluyan ang malalansang dugo sa paligid malapit sa kanila.

"Hala ang dami sa labas." kabadong sabi ni Evan.

Napatingin pa sila sa taas ng gate na may mga nagsisiakyatan pa.

"Wait lang sabihan ko lang sila." mabilis na sabi ni Luna at saka pinuntahan ang iba pang kasamahan.

Nakapatay ang ilaw sa buong bahay pero dinig ang mga ingay.

"Kayong lahat!"

Napahinto saglit ang lahat.

"Ihanda na ang dapat ihanda aalis na tayo! Bilisan niyo dahil parami sila nang parami sa labas!"

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon