Eighteen

76 4 0
                                    

Another Three

*****

Samantala sa bus nina Luna...

"Magpalit ka na kaya ng damit? Nakapagpalit na yung iba oh." sabi ni Janille at napatingin ang iba sa kanila.

"Uhm... May extrang damit ba tayo?"

"Malamang Luna. Hay nako, magpalit ka na. Ang baho mo pa pati!"

Natawa ang iba sa naging reaksyon ni Luna na nahiya talaga sa sinabi ni Janille.

"Edi sana di ka na tumabi sakin!"

"Ito na damit mo!" natatawang sabi ni Janille.

Napasimangot si Luna nang manipis na t-shirt lang ang binigay ni Janille.

"Ang nipis!"

"Wala nang ibang damit. Ayan lang."

"Eh kasi..." lumapit ito kay Janille bumulong.

"Wala akong bra, gaga."

Nanlaki ang mga mata ni Janille. "Ay wala?"

"Oo nga! Nakakahiya naman kung wala akong pantabing."

Nakasweater kasi si Luna. Ok sana na magamit pa ito pero punong puno na ito ng dugo at mabaho na talaga.

"Bakit?" bulong din ni Shane dahil nakigaya lang siya.

"May sweater pa ba tayo diyan?"

"Wait tingnan ko."

Samantala kina Mendoza naman, ginagamot ni Diane ang mga sugat niya.

"Sir, pa'no pala kayo nakaligtas? Buti buhay pa kayo!" sabi ni Renz.

"Nilito-lito ko lang siya. Medyo may pagkaobob kasi yung manananggal hehe."

Natawa ang iba sa sinabi ng lalaki. "Pero nahirapan din ako dahil ang daming zombies sa paligid namin. Nagtatawag kasi siya." tuloy ni Mendoza.

"Mythcreates yun." singit ni Diane.

"Ah basta yun. Parehas lang naman." sabi ni Mendoza.

"Teka, sigurado kang hindi mga bites 'tong sugat mo ah?"

"Mukha bang kagat yan?"

"I think, it's natural to those dangerous kind of zombies to call out so many cheap kinds of zombies. I will never forget our experience way back from Luna's place." sabi ni Winston at tumingin ulit sa daan.

"Oo grabe. Tulad kanina. Di ko akalaing makakaranas pa ko nun." sabi ni Renz.

"Ano bang nangyari?" sabi ng nakakatandang Juvelyn.

"Sa bandang NLEX sa valenzuela. Ang daming zombies na dumaan doon. Sobrang dami talaga." paliwanag ni Evan.

"Horde of mythcreates. Super dami. Sakop na sakop ang buong NLEX kahit sa mga daan sa gilid nun. After that horde, gulat na lang kami, sira na yung tulay na nagdudugtong sa daan papunta sa malinta." dagdag ni Diane habang ginagamot ang sugat ni Mendoza.

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon