Ten

88 5 6
                                    


New Companion

****

Binilisan nina Winston at Evan ang pag-akyat para puntahan si Luna.

"Argh!"

"Shit!"

Gulat na lamang ang dalawa nang biglang tumalsik si Luna mula sa loob ng isang apartment dire-diretso sa railings ng tapat ng bahay. Buti na lang napakapit si Luna sa railings kaya hindi agad ito nahulog pababa.

"AAAAAARRRRRGGGGHHHH!!!"

Gigil na gigil si Luna na iniaakyat ang sarili. Samantalang natigilan ang dalawa sa paglapit kay Luna nang mapansing may zombie na lumalabas kung saan galing si Luna.

Naging mabilis ang pagkilos ng dalawa. Akmang matatamaan na ng paghampas ni Winston ang zombie sa ulo nang mahawakan ng zombie ang tubo na ikinagulat ng dalawa. Mabilis na inatake siya nang zombie at akmang makakagat sa mukha nang bilang sinipa ito ni Evan nang malakas kaya napabitaw at napalayo ito sa kanila.

"Luna!"

Agad inabot ni Luna ang kamay ni Evan para makaakyat siya nang tuluyan. Nang makaakyat ay mabilis na inatake niya agad ang zombie.

"Sandali!"

Nagulat si Winston nang may tumulak mula sa likuran niya. Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi na niya napigilan si Luna na aatake na sa zombie na tatayo pa lang.

“HAAAAAAA!!!”

“Luna wait!”

Akmang itutusok na sana ni Luna ang tubo sa ulo ng zombie nang biglang mahawakan nito at mapigilan ang atake niya. Napangisi ang zombie na napatingin sa kaniya.

“Akala mo ganun na lang yun kadali?”

Gulat na gulat ang dalawang lalaki nang marinig na nagsalita ang zombie. Basag ang boses nito pero malinaw nilang narinig at naintindihan ang sinabi nito.

“Holy fvck!? Did he really talk!?”

“GAGU MAMATAY KA NA!!” gigil na gigil na sabi ni Luna habang pilit na binabawi ang tubo na hawak ng zombie.

Halatang napikon naman ang zombie kay Luna kaya malakas na sinipa niya ang dalaga palayo sa kaniya. “AARRGHH!”

“Luna!”

Tumilapon ang dalaga sa gawi ng dalawang lalaki na agad naman nilang tinulungan. Samantalang ang zombie ay parang kampanteng napatayo na lamang sa harapan ng tatlo. Nagpamulsa pa ito habang tinitingnan ang tatlo.

“Tsk tsk tsk. Akala niyo talaga siguro kaya niyo kong mapatay.” lalong lumaki ang ngisi ng lalaki nang makita ang matapang pero takot sa  mukha ng dalawang lalaki habang nakatingin sa kaniya.

Pero mas lalo siyang naaliw kapag nakikita nya si Luna na lugmok sa lupa. Masama itong nakatingin sa kaniya habang naluluha ito na animoy parang inagawan ng kendi para sa kaniya.

“Sige. Dahil busog ako ngayon, hahayaan ko kayo.” tumalikod ito at naglakad palayo sa kanila. “Sa susunod na pagkikita natin, siguraduhin niyong kaya niyo nang makasabay sakin. HAHAHAHAHAHA!”

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon