Thirty-six

64 3 0
                                    


The Real Start

+++++

"Tara puntahan na natin siya." sabi na lang ni Shane.

Kinabukasan matapos nilang makita sa kusina sina Luna at Evan, maaga-aga ang gising ng tatlong magkakaibigan. Naisipan nilang puntahan sana ang kaibigan. Matagal nila itong hindi nasolo na kausapin lalo na't busy ito. At nais nilang makausap si Luna dahil na rin sa traumang nararanasan nito.

"Mamaya, maaga pa." sabi ni Janille.

"Nagigising naman yun nang maaga. Tara na kasi." sabi ni Shane.

"Tara na nille, nakukulitan nako dito kay Shane eh." sabi ni Rann na ikinatawa na lang ni Shane.

"Pakiramdam ko parang ang tagal-tagal nang nangyari yung apocalypse." sabi na lang ni Janille habang papunta na sila sa kwarto ni Luna.

"Anong araw na ba ngayon?" sabi ni Shane.

"Hindi ko rin alam eh. Wala na rin tayo mapanood na matino sa tv. Nasugod na ata yung mga tv stations ng mga zombies." sabi na lang ni Rann.

"Nakakalungkot naman." sabi na lang ni Shane. "May mauuwian pa ba kayo kapag nasundo na tayo dun sa Ayala?" habol niya.

"Ligtas naman yung mga kamag-anak ko. Maliban kay lola. Inatake siya dahil sa takot." sabi ni Rann.

"Condolence." sabi pa ng dalawa.

"Eh kayo ba?"

"Buhay daw sila sabi ni mama. May iilang kamag-anak din kaming namatay sabi niya." sabi ni Shane.

"May mga pinsan at mga tito't tita pa naman ako na mauuwian."

Saglit na napatingin ang dalawa kay Janille hanggang sa narealize nila ang ibig sabihin ng dalaga. Kaya nagsalita silang dalawa.

"Condolence be."

"Condolence din."

"Haaay... Nakakalungkot nga talaga. Pero siguro buti na lang hindi ko nakita sina papa na wala na sila. Di ko talaga kakayanin yun." sabi na lang ni Janille.

"Oo nga. Nakakakilabot, nakakatakot na nakakalungkot talaga. Kaya naaawa rin ako kay Luna eh. Nakita kasi niya mga kapatid niya na pinatay." sabi ni Rann at napabuntong hininga na lang ang tatlo.

Maya-maya ay nasa kwarto na sila ni Luna. Talagang walang katok-katok, binuksan nila ang pinto ng kwarto ng kaibigan nila.

"Lunaaaa—"

Natigilan ang tatlo nang makita ang loob ng kwarto ng kaibigan. Hindi lang kasi si Luna ang nasa loob. Nandun din sina Evan at Winston. Nakatayo malapit sa kama si Winston habang nakaupo naman sa kama si Evan. Si Luna naman halatang tulog pa.

Gulat si Evan nang makita ang tatlong kaibigan ni Luna.

"Ay! Sorry sa istorbo. Sige bye muna." bulong ni Janille at sinara ang pinto.

"Anyare?" kunot-noo na sabi ni Shane.

"Nandun sina Winston tsaka Evan."

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon