Seven

100 6 3
                                    


Observation

****

Habang umaandar ang bus ay hindi naman maawat ang iba sa kakaiyak lalo nang mabawasan sila.

Kung kanina, 16 silang lahat, ngayon balik ulit sila sa 12. Kasama na dun ang estrangherong lalaki na katabi ni Luna.

Sa ngayon nililibot nila ang MV o millionaire's village, isang subdivision upang makahanap ng malaki-laking bahay na tutuluyan nila pansamantala dahil maggagabi na. Mag-aalas sais na ng hapon kaya kinakailangan na nilang makahanap ng matutuluyan.

Tahimik lang ang buong bus habang naghahanap sila ng matutuluyan. May iba na nagkakalikot ng mga phone nila, may iba na naiiyak, may iba na tulala lang. Pagod na pagod dahil sa naranasan nila na akala mo isang bangungot lang.

Maya-maya, tumigil ang bus. Agad na natuon ang atensyon ng lahat kay Mendoza.

"Ok guys, dahil ito ang pinakamalaki na nakita naming bahay, nagdesisyon kaming ito ang piliin namin na tutuluyan natin pansamantala. Ipapasok din kasi natin yung bus na 'to para safe din 'to. Okay ba sa inyo?"

Nagsitanguan at sumang-ayon ang lahat kay Mendoza.

"Sige, bago tayo pumasok ichecheck muna natin ang daan kung safe ba. Syempre pati yung bahay ichecheck muna natin, baka kasi may tao dito o kaya zombie. Apat na tao muna ang pupunta sa bahay para macheck kung safe ba ito. Kung sinong willing sumama, itaas lang ang kamay."

Hindi agad nagtaas ng kamay ang lahat. Akala ni Mendoza ay walang sasama sa kaniya nang biglang magsalita si Luna.

"Magchecheck lang naman po ng bahay diba?"

"Yes. Need ko ng makakasama."

"Sige po, sama po ako."

Napangiti si Mendoza sa kaniya. "Sige, sino pa?"

Maya-maya nagtaas ng kamay si Evan. "Ako sir."

"Wala na bang sasama pa?"

Nagtaas lang ng kamay ang estrangherong lalaki na ikinatango ni Mendoza.

"Okay, dating gawi. Walang lalabas ng bus hangga't wala pa kami ok? Manong, tsaka niyo na bubuksan yung pinto kapag nasa tapat na kami ng mismong pinto ng bus, ok po?"

"Sige."

Nagready na sila Luna, Evan at ang lalaki para makalabas ng bus. Sumenyas si Mendoza na buksan na ang pinto.

Maingat ang kilos nila na pumunta sa tapat ng mini gate ng bahay. May gate pa kasi ito para sa garahe na malaki-laki. Sinubukan ni Mendoza buksan ang mini gate ng bahay. Napabuga siya ng hangin nang maitulak niya pabukas ang mini gate.

Sinenyasan niyang sumunod sa kaniya ang tatlo. Bago tuluyang pumasok sa bahay ay sinarado muna ni Mendoza ang mini gate.

Sabay-sabay silang pumunta sa main door ng bahay. Kumatok muna si Mendoza para malaman kung may tao pa dun. Nang walang sumagot, pinihit niya ang seruda ng pinto na agad naman itong ikinabukas.

Nagkatinginan silang apat. Bukas ang pinto, ibig sabihin ay salang tao sa bahay. "Maghiwa-hiwalay tayo para macheck kung safe."

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon