Seventeen

78 4 2
                                    


Modern Slayer Corps.

*****

"Teka, kailangan muna nating magpagas." sabi bigla ni mang Greg.

"Ok lang kuya, sa kanto naman ng st. Cruz meron eh." sabi ni Luna.

"Gaga wala, dun pa yun malapit sa pinagshoshortcut-tan ng sinasakyan natin pamalinta." sabi ni Janille.

Tahimik lang ang lahat kasi hindi naman nila alam ang daan maliban kay mang Greg.

"Ano? So babalik pa tayo dun? Wag naaa." sabi ni Luna.

"Oo wag na, kasi baka mamaya bumalik dun yung manananggal. Dun pa naman namin unang nakita yun. Yari tayo." biglang sabi ni Shane.

"Tama siya, kapag medyo malayo na tayo dito sa lugar na 'to, dun na tayo magpagas. Kuya, kaya pa ba yung gas?" tanong ni Mendoza.

"Kaya pa naman."

"Sige. Makaalis lang tayo sa lugar na 'to, okay na." sabi ni Mendoza at tiningnan si Diane.

"Mabalik tayo kay miss Diane—"

"Ay hehehe~ Diane na lang pls." biglang sabi ni Diane.

Napatikhim na lang ang lalaki.

"Napansin mo ba kanina, tinawag ni ate Diane si sir ng my dear?" bulong bigla ni Shane kay Luna. Magkatabi kasi silang dalawa.

Napakunot noo si Luna. "Baka nadulas lang? Ang issue mo ah."

Natawa na lang si Shane nang mahina at nagpeace sign bago itinuon ang pansin sa mga nagsasalita.

"I could say, the Modern Slayer Corps will be the hope of humanity in this critical situations. We have different departments inside the Corps. At ang pinakamaasahan natin sa ngayon ay ang mga nasa Slayer Deparment. Gets niyo ba point ko?"

Nagsitanguan naman ang ilan.

"Obvious naman sa name ng department, sila ang pumupuksa sa mga delikado at kakaibang nilalang na hindi dapat madiskubre ng mga tao. Sa sobrang hirap ng trabaho nila, laging nangangailangan ng bagong miyembro sa kanila. You know, araw-araw kasi may namamatay sa kanila."

"Pero hindi madaling maghanap ng mga bagong member. Mahirap kasi ang training nila para maging kasapi ng Slayer Department. Hindi ka lang dapat healthy sa lahat ng aspeto, dapat may kakayahan ka talaga."

"Kakayahan?" tanong ni Evan.

"Kakayahang palabasin ang kakaibang kapangyarihan sa loob-loob mo."

Matapos magsalita ni Diane ay walang umimik sa kanilang lahat. Hindi nila inaasahan ang huling sinabi nito. Hinihintay nga nila na magsabing nagbibiro lang ang dalaga o kaya magsabi ng 'Icha prank!'.

Pero walang nagsalita. Hanggang sa maya-maya ay natawa si Winston.

"Don't shitting old lady, wala tayo sa movies."

"Gago anong old lady!? Tsaka I'm serious! Nakita niyo ba kong nakangiti?" seryosong sabi ni Diane. "Hindi diba!?"

"Baka naman yung kapangyarihan na sinasabi niya eh parang pisikal na lakas?" sabi ni Mendoza.

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon