Fourteen

77 5 7
                                    

New

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

New

****

"Sasama ako."

"Hindi nga pwede. Dito ka lang para makapagpahinga." sabi ni Mendoza kay Luna.

Sa ngayon, plano nilang pumunta sa pinakamalapit na grocery store para sa supplies nila. Nais sumama ni Luna pero hindi ito pinayagan ni Mendoza.

"Pero sir—"

Umiling ang lalaki. "Hindi. Mas mabuti pang dito na muna kayo. Galing lang kayo sa byahe kahapon, magpahinga kayo. Tsaka ok na rin na dito lang kayo para mabantayan ang iba."

Ang kasama ni Mendoza sa byahe ay sina Janille, Lowell at Shane.

Napatingin si Luna sa mga kaibigan niya. "Sasama talaga kayo?"

"Oo naman! Kaya namin sarili namin." sabi ni Janille. Napatingin siya kay Shane na parang nag-aalangan.

Alam kasi ng lahat na sobrang hinhin nito kumilos. Ni minsan nga hindi niya ito nakitang magalit. Kapag nagtampo ito, ang hinhin pa rin.

"Kaya ko naman sarili ko." sabi bigla ni Shane.

"We Shane?" pagdududa ni Renz na ikinatawa ni Shane.

"Lah, oo nga. Wag ka na mag-alala. Tsaka nandiyan naman si sir eh."

"Ayan na nga ba sinasabi ko eh." natawa sila nang makitang biglang naging problemado si Luna.

"Ano ka ba! Ok lang ako. Pahinga ka na lang."

"Oo nga, Luna. Hindi ko naman sila pababayaan." singit ni Mendoza.

"Tiwala ka lang samin. Makakabalik din kami." sabi ni Janille.

Tinitigan lang ni Luna ang apat hanggang sa napabuntong hininga na lang siya. "Sige na nga. Ingat kayo."

"Kahit tumanggi ka, aalis pa rin kami." sabi ni Janille.

"Sakin Luna? Di ka magtatanong sakin? Di ka concern?" sabi ni Lowell na ikinatawa ng lahat.

"H-hindi! I mean, concern naman ako sayo. Eh syempre alam ko namang kaya mo sarili mo kahit na may pagkafeminine ka." sabi na lang ni Luna. Napatingin siya kay Mendoza.

"Sir..."

"Hay nako, Luna. Diyan ka na, aalis na kami. Basta bantayan mo na lang mga kasama natin." sabi na lang ni Janille na ikinatango ng tatlo na kasama niya.

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon