Fifteen

69 6 3
                                    

Back

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Back

*****

"SHAAAAAANE!!!"

Walang lingon-lingong umakyat si Shane sa bus. Agad siyang hinila nina Janille at Lowell papasok.

At saktong pagpasok niya ng bus ay nagsara ang pinto nito na ikinauntog doon ng manananggal. Nabuwal pa silang lahat sa lakas ng tama ng halimaw sa bus na muntik nang maihiga.

Samantalang si Mendoza ay hindi agad nakagalaw dahil sa takot na baka maabutan ng halimaw ang mga kasama niya. Pero agad din siyang nabalik sa sarili niya at sumigaw nang malakas upang matuon sa kaniya ang atensyon ng halimaw.

"HOOOOOOOOY! DITOOOOOOO!"

Agad na napatingin sa kaniya ang manananggal. Hindi agad ito sumugod sa kaniya kaya naman tumingin siya sa harapan ng bus sa driver's seat at sumenyas na umalis na sila.

"UMALIS NA KAYO! UMALIS NA KAYOOOO!!!"

Pagkatapos ay sumugod na sa kaniya ang halimaw.

Samantalang sa bus, kahit nanginginig at nagdadalawang isip ay umupo si mang Greg sa driver's seat at inistart ang bus.

"K-kuya bakit? Aalis na tayo?" kinabahang tanong ni Janille pero hindi siya sinagot ng matanda.

Hanggang sa umandar na ang bus, nimaniobra niya ito paalis sa lugar. Nagpanic ang tatlong istudyante.

"KUYA IIWAN NATIN SI SIR!?"

"SI SIR NANDUN PA!!"

"KUYA WAG NATIN IWAN SI SIR!!"

"KUYAAAA!!"

"A-ayun kasi sabi ni Sir." sabi bigla ni mang Greg na ikinatigil ng tatlo.

"Huh?"

Sabay silang napatingin sa bintana ng bus kung saan nakikita nila si Mendoza na pinoprotektahan ang sarili sa manananggal at sa iilang mga zombies na lumalapit dito. Nakita nilang parang nagsasalita ito at madalas na tumitingin sa kanila.

"Siya ang may gusto na umalis tayo. Wala ako magagawa kundi sundin siya." sabi ni mang Greg.

Hindi agad nakapagsalita ang tatlo. Hanggang sa nagsalita si Lowell.

"T-tutulungan namin si sir-"

"WALANG BABABA!"

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon