Twenty-five

60 3 0
                                    


The Leader

Warning: matured scenes

*****

"Wala silang kasalanan, general. Maniwala ka po!"

Natigilan pa ang heneral sa sinabi ni Misha na kahit si Luna ay nabigla rin. May paghawak din kasi ang babae sa kamao niya.

"G-ganun ba, ehem!" napatingin ang heneral kay Luna.

"Sumama kayong lahat para maipaliwanag ang nangyari dito." binalingan ng heneral ang mga kasama. "Kayo, kunin niyo yung mga walang malay at mga sugatan. Dalhin sila sa infirmary."

"Yes sir!"

Habang inaasikaso ng mga kasamahan ng heneral ang mga sugatan ay napatingin si Misha sa lalaki. Nangangamba pa rin siya na baka maparusahan sina Luna na napagtripan lang talaga.

"G-general..."

"I know, I know. Need lang namin mag-usap lahat para magkalinawan. It's my fault to judge her agad that's why bumabawi lang ako." sabi pa ng heneral.

Matapos maasikaso ang mga sugatan at walang malay ay sumama na silang lahat sa heneral. Dinala sila sa kampo ng mga bantay at doon sila nag-usap-usap tungkol sa nangyari. Sina Misha ang unang nagpaliwanag dahil sila naman ang unang napagtripan hanggang sa sumunod na sina Diane.

Sa huli, ang kinilalang nanagot sa insidente ay ang grupo nina Bruno.

"But."

Napatingin ang lahat. "Ang lahat ng nakipagrambulan sa daan ay mabibigyan ng community service for 3 days bilang parusa."

Umangal naman ang iba.

"Luh, so pati si Luna kasama?" sabi ki Trisha.

"Ewan ko." sagot ni Agtarap.

"Parang lugi naman." sabi na lang ni Janille.

"Hindi lugi yun hija. May sinaktan pa rin siyang ibang tao kaya need pa rin niyang maparusahan. Tsaka ano ba namang maglilinis lang siya sa daan diba?" napabuntong hininga na lang ang iba.

"Ok na yan, kesa naman ipagpush up ka sa gitna ng init ng araw hanggang limang oras sa loob ng limang araw, diba?" sabi ni Luna at nakangising tiningnan ang mga katropa ni Bruno na napatingin na lang sa ibang direksyon.

"Bueno, mukhang nagkakaintindihan na tayo. For now, tapos na usapan natin." napabaling ang heneral sa dalawang lalaki.

"Kayo, kapag may ginawa na naman kayong kalokohan, madadagdagan pa ang parusa niyo. Maliwanag?"

"O-opo..." sabay na sabi ng dalawa.

Pigil naman ang pagtawa ng ilan sa reaksyon ng dalawa habang papalabas na ng tent.

"Tara, puntahan na natin sina Evan kung pede na sila dalawin." sabi bigla ni Luna. Matagal-tagal din silang nag-usap sa tent ng heneral kaya inisip niyang baka pwede nang madalaw ang mga kasama.

"Tara, saan ba yung infirmary?" sabi ni Bustamante.

"Sundan niyo kami." sabi bigla ni Misha na ikinatingin ng lahat dito sabay kuha sa kamay ni Luna at hinila ang babae para makasunod sa kaniya. Sumunod na lang din ang ilan sa kanila.

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon