Twenty-seven

60 4 1
                                    


Community Service

*****

Matapos kumain nina Luna nang umagang iyon ay nagsimula na siyang pumunta sa opisina ng heneral para malaman ang kung saan nila gagawin ang community service nila na tatlong araw ang itatagal.

Pagkarating nila doon ay nandun na ang ilan sa mga makakasama niya. Nandun na din yung iilang kasama ng Bruno pero wala dun si Bruno at ang ilan.

Agad na pumunta siya sa tabi nina Evan na nakahilera sa harap ng heneral.

"Ehem! Let's start."

Nagreact si Luna sa sinabi ng heneral at bumulong kay Evan na katabi niya. "Gagi ako na lang ba hinihintay?"

"Oo?"

"Shaks nakakahiya!"

"Ang gagawin ng grupo nina Luna ay magwawalis sa daan. 8 to 5 pm ang araw niyo. At may 10 mins break lang kayo."

Lihim naman na nagtawanan ang kabilang panig na grupo kaya napatingin ang grupo nina Luna dito na may masamang tingin.

"At kayo. Tatawa-tawa pa kayo diyan. Maglilinis kayo ng mga kubeta ng mga pampublikong establisyamento dito, mga imburnal, at mga tangke dun sa labas. 8 to 6 pm naman kayo."

"Yun lang pala general! Yakang yaka namin yan!"

"Oo nga! Basic!"

Napangisi ang heneral. "He! Wala kayong pahinga kaya kumain kayo bago kayo pumunta sa community service niyo. Maliwanag?"

"YES SIR!"

"Sanay na 'ata sa mga mababaho 'tong mga 'to eh." bulong ni Troy.

Lalong napangisi ang heneral. "Sige. Ipapakita ko sa inyo ang mga tangke na lilinisin niyo." napabaling din ang tingin nito kina Luna. "Sumama rin kayo."

Maya-maya ay nasa parking na sila ng mga tangke. Iba kasi ang parking ng mga tangke at mga sasakyan. Malapit sa danger zone ang parking ng mga tangke para mabilis ang pick up kapag kinakailangan ito.

Nang makita na nila ang mga tangke na lilinisin, pinigilan nina Luna ang pagtawa nila. Samantalang hindi makapagsalita at napanganga na lang ang ilan sa mga kagrupo ni Bruno.

"Yan, ang lilinisin niyong mga tangke."

Malalaki ang mga tangke at sa itsura nito ngayon, mahirap ito linisin ng iilang tao lang. Puro dugo at makakapal na putik kasi ang mga tangke.

"Araw-araw ganyan yan kaya gusto ko malimis na malinis yan ah? Mula tuktok hanggang gulong."

"Pfffttt! Lakas niyo pa kanina ah?" bulong na pang-aasar ni Troy sa mga kagrupo ni Bruno.

"Hala! Simulan niyo na ang community service niyo!"

"YES SIR!"

+++++

"Hindi ka ba naiinitan, Luna? Ako yung naiinitan sayo eh!" sabi na lang ni Troy.

Sa ngayon nagwawalis sila sa buong stadium kung saan tuwing umaga ay may nagsuzumba. Tirik na tirik ang araw kaya sobrang init. Nakasuot ng sumbrero si Luna, nakasweater at jogging pants. At nakarubber shoes siya. Sa madaling salita, balot na balot siya.

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon