Twenty-One

69 5 0
                                    


Strange Evacuation

Warning: may pagka-spg

*****


Sumapit ang gabi, nag-aya na si Mariel sa mga kasamahan na kakain na. Sakto namang pagpasok ni Misha galing sa labas ng bahay.

"Uy sakto. Kakain na tayo." sabi ni Mariel.

"Sige. Ligo lang ako." at dumiretso si Misha sa kwarto nito para maligo.

Samantalang si Luna ay kakatapos lang niyang ayusin ang iilang gamit niya sa magiging kwarto niya. Hindi niya nilagay lahat ng mga magiging damit niya sa kabinet dahil sa isang bagay na pilit sumisiksik sa utak niya.

Matapos makapag-ayos ay tiningnan niya ang buong kwarto. Humahanga siya sa simpleng ganda ng kwarto kahit maliit lang. Mas lalo pa siyang namangha dahil sa nalamang may cr ang bawat kwarto ng buong bahay kaya hindi na siya mag-aabala pang lumabas para doon mag-cr at maligo.

*knock knock!

"Luna! Kakain na tayo!" aya ni Mariel na hindi pa kilala ni Luna.

"Ay sige po wait."

"Tigas talaga ng bungo mo 'no?"

Natawa siya at napakamot sa ulo. "Ay sorry hehe."

"Wait. Hindi ka ba naiinitan sa suot mo?"

Napansin ni Luna na nakatingin ang babae sa damit niya. Nakaswearter kasi siya, malaki iyon at mukhang makapal.

"Uhm..."

"Bakit hindi mo muna tanggalin?"

"Ano, hindi pwede eh hehe."

"Why naman? Tsaka ang init kaya! Ako naiinitin sayo eh." natatawang sabi ni Mariel.

"Ano kasi..." hininaan niya ang boses niya. "W-wala akong panloob."

"Ha?"

"Panloob, wala ako..."

Lalo inilapit ni Mariel ang sarili sa kaniya. "Ano? Hindi kita marinig?"

"Wala akong bra!" napalakas ang sabi ni Luna. Sakto namang dumaan si Vian sa tapat nila.

"Wala kang bra!?"

Nag-init ang mukha ni Luna sa lakas ng boses ni Vian. "O-oy..."

"Aaaw... Wawa ka naman. Sige pahiramin na lang kita ng isa." sabi ni Vian.

"Gaga baka maluwag sa kaniya."

Kumpara kasi sa apat na babae, si Luna lang ang maliit sa kanila.

"Ano ba cup size ng bra mo?" tanong ni Vian.

"C-cup size? Cup size?" pahina nang pahina ang boses ni Luna at sa itsura niya halatang hindi niya alam ang cup size niya na siyang di naman ikinapaniwala nina Vian at Mariel.

"Cup size? Di mo alam?" tanong ulit ni Vian.

"A-ano..." pinagpawisan nang malapit si Luna. Napapikit na lang siya.

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon