Twenty-six

62 4 0
                                    


Secrets Reveal

Warning: matured scene

*****

"Siya ang lider namin. Si Luna."

Natahimik bigla ang paligid kaya natense si Luna.

"A-ano kasi—"

"Wag ka na mahiya, Lunaaa!" natatawang sabi ni Mendoza kaya natawa rin sina Renz at Evan.

"Oo nga, Luna. Hindi ka nga namin kinahihiya eh." sabi ni Renz.

"K-kasi—"

Natawa bigla nang may kalakasan ang heneral na ikinatingin nila dito.

"Hahaha! Ayos mga biro niyo ah hahahaha! Umagang umaga. Maganda yan!"

"We're not kidding here." sabi bigla ni Winston na ikinatango ni Mendoza.

"Sir akala ko ba—"

"Luna, diba napag-usapan na natin 'to?"

Hindi na lang nagsalita si Luna dahil wala naman na siyang masabi pa. At talagang nahihiya siya dahil may dalawang mas matanda sa kaniya sa lugar kung nasan sila.  Bukod sa ayaw niya maging lider ng grupo dahil naduduwag siya.


"Hmm... Kung ikaw pala ang leader ng grupo niyo wala na pala dapat tayong pag-usapan pa. Pero sana mag-iingat na lang kayo para hindi na kayo makagawa ng gulo." nakangiting sabi ng heneral na ikinatitig ni Luna dito.

"Hindi naman po kami manggugulo basta wala rin pong manggugulo samin, lalo na sa mga kasama ko." biglang sabi ni Luna na ikinatingin ng lahat dito.

Napansin nilang nakipagtitigan ang dalawa. Dahilan upang hindi maiwasang hindi pansinin ng heneral ang kabuuan ni Luna. Maliit na babae pero ang katawan nito ay halatang nabatak galing sa labas ng evacuation. Pero lahit ganun, hindi sumagi sa isip niya ang kalakasan ng babae kahit pa nakita na niya ang lakas ng pagsuntok nito sa isang punching bag sa gym kahapon.

"Ligtas kayo rito. Don't worry. Gusto ko lang kayong gabayan upang masanay kayo rito sa lugar."

"Salamat po heneral. Pero kung may mga grupo pa pong manggugulo samin, kami na lang po iiwas. Tsaka hindi naman po kami mamamalagi dito nang matagal kaya wala ring gulo araw-araw hehe."

Napatingin lang ang lahat sa dalaga.

"Hindi mamamalagi nang matagal?" ulit ng heneral.

"Opo. Aalis din po kami agad dito kapag nabalik na samin yung isa naming kaibigan na inexamine dahil may sugat siya. Bukas baka pwede na po siyang makabalik samin. If ever na mangyari yun, sa kinabukasan po ay aalis na kami." sabi ni Luna.

"Ano naman gagawin niyo sa labas ng lugar na ito? Masyado nang delikado. Dumadami na ang mga zombies na nagpapakita sa lungsod na ito." sabi ng heneral.

"May pupuntahan lang po kaming importanteng tao kaya aalis kami agad. Tsaka sanay naman po kami sa labas." sabi ni Luna.

Napaupo na lang ang heneral sa mini sofa sa sala ng bahay. Nakaharap ang matanda sa kanila.

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon