Three

124 7 4
                                    


Plan

****

"Luno. Kumusta kayo? Sina Nilo at Milo? Nasan nina papa?"

Nang hindi sumagot agad ang kapatid niya ay tsaka bumaha sa buong sistema niya ang kaba at takot. Ayaw niya mag-isip ng masama pero ito ang sumisiksik sa isipan niya. Pinagpawisan siya nang malapot hindi pa rin sumasagot ang kapatid niya.

"Luno?"

Mahina lang ang boses niya para hindi siya marinig sa labas kahit pa may nagsisigawan pa rin dun.

"Sorry te. May dumaan kasing zombie."

Mas kinabahan siya lalo sa sinabi ng kapatid. "K-kumusta?"

Nakatingin lang ang mga kasama niya sa kaniya, inaabangan ang magiging reaksyon niya. Kahit sila gustong malaman ang kalagayan ng pamilya ni Luna kahit sila ay gusto ring malaman ang kalagayan ng mga pamilya nila.

"O-ok kami..."

Napabuga ng hangin si Luna pero hindi pa rin nawawala ang kaba niya.

"Sina papa?"

"N-nasa evacuation..."

"Ano ginagawa?"

"H-hindi ko alam..."

Nangunot ang noo niya. "Ha?"

"N-naiwan kami dito ate... S-sina mama at papa, nasama ng mga sundalo para maevacuate. K-kami... N-nandito lang sa bahay."

"Putang..."

Nakatingin lang ang mga kasama niya sa kaniya na ngayon ay nanginginig ang mga kamay at mga labi. Nangingilid na rin ang mga luha niya. Napakagat si Luna sa mga labi habang pinipigilang humikbi.

"K-kumusta kayo diyan?"

"O-okay pa naman ate. K-kasama ko sina Milo at Nilo. Tulog pa sila."

Huminga siya nang malalim. Nag-iisip siya kung ano ang gagawin niya pero wala siyang maisip. Pilit nagsusumiksik sa isipan niya ang mga nangyari kanina at iniuugnay niya pa yun sa pwedeng mangyari sa mga kapatid niya na nasa bahay lang.

Naalala niya kasi na parehong pang-araw ang pasok ng mga magulang nila. At may pasok siya ngayon kaya naman ang tatlo na lang niyang kapatid ang naiwan sa bahay nila.

"S-sige. K-kumain na kayo? May pagkain pa ba diyan?"

"Kumain na kami. May ulam pa dito sa ref."

"S-sige... Tipirin niyo yan. W-wag kayo kain nang kain. H-hindi pa ko m-makakapunta diyan agad."

Hindi agad nakapagsalita ang kapatid. Ang mga kasama niya ay nag-aabang lang sa kaniya.

"N-natatakot ako ate."

"Gago umayos ka!"

Nagulat ang mga kasama niya sa pagmumura niya.

"Kahit ako n-natatakot din. Pero umayos ka. Wag kang maging bobo. Piyesta ang zombie sa inyo kapag naging bobo ka sa kinikilos mo." partida nanginginig pa ang mga labi at kamay niya habang nitatrashtalk ang kapatid.

"Ba't ako lang baliw."

"Kasi ikaw ang mas matanda. Tsaka laki-laki ng katawan mo, gamitin mo naman. Gabayan at protektahan mo sina Nilo at Milo. Wag na wag kayo magsisigawan kasi naaattract ang mga zombies sa ingay. Hindi sila nakakakita."

Napatango ang ilan sa mga kasama niya. Ang ilan ay nagdidipa na sa mga phone nila dahil gumagana ang data nang maayos, nakakachat nila ang mga taong mahal nila sa buhay.

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon