Five

120 5 3
                                    

Out (part 2)

****

"S-si Retchie..."

Hindi nakapagsalita ang apat nang makita nila ang zombie sa gitna ng room nina Rann. Pamilyar sa kanila ang itsura ng zombie lalo pa't ang sugat lang nito ay sa kaliwang braso. Matangkad at malaki ito kumpara sa ibang zombies na nakaharap nila. Sobrang putla ng balat nito at may malalaking ugat sa mga braso at leeg. Nakaharap sa kaliwang bahagi ng room ang zombie, nakatingala habang nakanganga.

Mabilis na sinenyasan ni Luna ang lahat na tumahimik at saka pumunta sa harapan ng room. Bahagya siyang pumasok upang silipin ang zombie ni Retchie. Walang sabi sabi na hinampas niya ang tubo na bakal sa pader na malapit sa blackboard. Tama lang ang hampas, hindi dinig sa buong building pero dinig sa room.

Mabilis na napalingon ang zombie sa direksyon niya. Nakaramdam ng kaba si Luna nang makita ang simpleng galaw ng zombie. Mukhang maliksi ito.

Pero mas maliksi ako sayo.

Nagbigay hampas ulit siya nang tama lang sa pader. Iyon na ang huli dahil mabilis na tumakbo papunta sa direksyon niya ang zombie. Lahat ay nahintatakutan sa bilis at lakas ng zombie dahil tumakbo pa rin ito kahit may mga bakal na upuan na nakaharang dito.

Mabilis na lumabas si Luna at pumunta kina Renz na sobrang takot.

"Gaga ka Luna ano ginawa mo!?" mahinang sabi ni Renz pero di siya pinansin ni Luna.

"Takbo! Bilis! Takbo! Wag maingay!" mahina na sabi ni Luna habang busy pa ang zombie na ngayon ay nasa harapan na at inuuntog-untog nito ang sarili. Nakalikha iyon ng ingay, dinig sa labas ng hallway kaya kinabahan silang apat.

Mabilis na kumilos sina Rann. Unang lumabas sa cubicle si Rann. Malapit na sana sila makalabas nang mabangga ang kanang balakang ni Rann sa kanto ng upuan sa sandalan.

"Aray ko!"

Malakas ang pagkakabangga niyon at ang daing ni Rann kaya mabilis na napalingon ang zombie sa direksyon nila.

"Ayan na siya bilis labas!" mabilis na sabi ni Renz.

"Shit!"

Mabilis ang kilos ni Luna na hinila si Rann na namimilipit sa sakit papalabas ng room. Ganun din sina Evan at Mendoza pero hindi na nakaalis sa pwesto si Luna lalo na nang makitang lumundag ang zombie ni Retchie sa kaniya.

Napanganga ang lahat sa nakita. Buti na lang mabilis na naiharang ni Luna ang bakal na tubo sa harapan niya at saktong pagkalanding ng zombie ay yung tubo ang nakagat nito. Nagimbal siya nang malamang sobrang lakas ng zombie kaya di siya nagpatalo. Kaya lang nanginginig ang mga kamay niya, at kinakapos siya ng hininga dahil malapit ang mukha ng zombie sa kaniya. Nakasandal lang siya sa pader at pilit pinipigilan niya ang zombie.

Nakadagdag sa pangangatog ni Luna ang takot dahil sobrang lakas talaga ni Retchie, di niya alam kung kakayanin niyang pigilan ang zombie. At aaminin niya, nakakatakot ang itsura ng zombie kapag harapan.

"Shit! Shit! Shit!"

Takot na takot ang mga kasama ni Luna dahil ibang zombie ang nakaharap nila. Malakas, mabilis at lumulundag. Pero sumugod si Shane at Janille at pinaghahampas nila ang ulo ng zombie.

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon