Eleven

87 5 1
                                    


Horde...

****

"Buti na lang talaga at dito mo ko pinadaan. Sana lang walang harang sa mga daraanan natin dito sa mga fortunes." sabi ng babaeng driver habang nagmamaneho.

Tahimik lamang ang tatlo sa kotse. Hindi malaman kung ano sasabihin.

"You can call me Diane. I think makakasama niyo na ko mula ngayon sa journey niyo." sabi ni Diane.

Napaismid si Winston at bumulong. "Tss... Ano 'to? Adventure time?"

"Excuse me, naririnig kita." napairap na sabi ni Diane.

"Uhm... May mga kasama po kami." biglang open ni Evan.

"Really? Where?" nanlalaking mga mata na napatingin dito si Diane.

"Hey! Watch out!" sabi ni Winston.

"Easy, wala namang harang eh, di tayo mababangga." sabi ni Diane.

Napatingin si Diane sa rear mirror at napansin niyang tahimik si Luna sa sulok. Nakatingin lang ito sa bintana.

"Anong pangalan nung babae?" tanong niya bigla.

"Luna." sagot ni Evan.

Hindi agad sumagot si Diane dahil sinusulyapan niya pa lang si Luna. Halatang tulala ito at parang wala itong kasama para dito. Napabuga siya ng hangin.

"I'm sorry if muntik ko nang iwan ang isa sa inyo. It's just that kapag hindi ako tumakbo agad, aabutan tayo. Nakita niyo naman kung gaanong karaming zombies ang humahabol sa inyo tapos nadagdagan pa sa unahan natin kanina." paliwanag ni Diane.

Naalala nila kung gaanong karami nga ang mga zombies na papunta sa kanila at hindi nila mawari kung saan nanggaling ang ganung karaming zombies lalo na sa lugar nina Luna. At tumatakbo pa ang mga ito. Kinabahan ang tatlo sa kanila nang maisip ang kahihinatnan nila sa susunod pa nilang araw na pagdadaanan.

Si Luna naman ay talagang tulala lang sa bintana.

"Hindi ko mawari kung saan galing ang mga zombies na yun. Sobrang dami nila." sabi ni Diane.

"Kanina naman habang papunta kami dun sa lugar na yun, wala namang ganun karaming zombies sa daanan namin." paliwanag ni Evan.

Napansin naman ni Diane na may dugo ang lalaki sa noo. Inabutan niya ng panyo ang lalaki.

"Here, punasan mo dugo mo. Delikado at baka ma-infect yan. May pandemic pa naman ngayon."

"You think it's pandemic?" sabi ni Winston.

"Duh. Yeah, obvious naman. Hindi ba kayo nanonood ng mga zombie apocalypse movies?"

"But this is not a movie."

"Yes but look. We have a same situation to those movies. May mga zombies. Wala tayo magagawa, ganito talaga buhay eh."

"Akala ko pa naman huli na yung covid-19 na yan. Talagang may mas lalala pa pala at nagkatotoo pa." sabi ni Evan habang nakalapat ang panyo sa noo nito.

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon