Nine

99 4 1
                                    


Siblings

****

"S-sasama ka?"

"Oo nga. Okay naman siguro yun diba?"

Hindi agad nakasagot si Luna dahil hindi talaga siya makapaniwala na sasama sa kaniya ang binata. Napansin naman ito ng mga kaibigan niya.

EHEEEEM! EHEM!

EHEM! EEHEM!

"Hoy! Ano ba!? Te baka mamaya may virus na kayo!"

"Epal ka naman mayor umuubo lang ih."

Napapikit si Luna sa kalokohan ng mga kaibigan. Ang alam kasi niya walang alam ang iba nilang kasama na may pagtangi siya kay Evan. Pagtangi!? The hell!

"Let them be if they want to join us. Much better na rin kung may kasama pa tayong iba." sabi ni Winston na nakakunot noo pa dahil sa kalokohan ng mga kasama niya.

"Ayan, pinagselos niyo ang papa."

"Baliw Lowell hahaha!"

Natawa sila nang makitang napalingon sa kanila si Winston na nakakunot ang noo.

"Okay sige. Ang sasama kay Luna ay sina Winston at Evan. Kung tatlo lang kayo, sasama na rin ako para sa kaligtasan niyo." sabi ni Mendoza.

"Sir wag na. Para naman may maiwan dito if in case lang na magkaproblema dito." sabi bigla ni Luna.

"Safe kami dito. Wag ka mag-alala. Tsaka di na kami mag-iingay." sabi ni Jovs.

"Hindi. Kahit na. Kailangan may magbantay sa inyo na mas matanda sa'tin." sabi ni Luna.

"Eh pa'no kayo?" sabi ni Mendoza. "Hindi ako mapapalagay kapag hinayaan ko lang kayo na umalis." dagdag nito.

"Sir. Magtiwala ka samin. Sabi ni Winston makakabalik din kami agad. Tiwala lang." paniniguro ni Luna.

"Yes. We will fight them in our best. Just stay here sir. Don't worry about us."

"Wala tayo magagawa sir kung mapilit sila. Umaandar po ang oras. Mabilis pa naman panahon ngayon." sabi bigla ni Renz.

Magsasalita na sana si Mendoza nang magsalita si Trisha. "Sir. Sila na po nagsabi, makakabalik din sila dito nang maayos. Kaya wag na po kayo mag-alala. Kayang kaya nila bumalik dito, sa lakas ba naman nila eh."

Nagsitanguan ang ilan dahil saksi sila sa ginawa ng tatlo habang nasa campus pa sila. Napabuga na lang ng hangin si Mendoza. Sumuko na sa pamimilit ng ilan sa kaniya.

"Sige. Siguraduhin niyong makakabalik kayo. Aasahan ko kayo."

Nagsitanguan ang tatlo. "Sige po, alis na kami."

"Ingat kayo!"

"Balik kayo ah!"

"Luna! Bumalik ka!"

"Naghihintay kami."

Napangiting lumingon si Mendoza sa tatlo. "Mag-iingat kayo."

Lalabas na sana ang tatlo nang biglang may magsalita.

"Ay teka sandali, saan sila papunta?"

Napatingin sila sa hagdan kung nasan ang matandang lalaki na mga nasa kuwarenta pataas. Bumaba ito at pinuntahan silang lahat.

"Saan sila papunta?" ulit pa nito.

"Ililigtas nila mga kapatid ni Luna, kuya." sagot ni Jovs.

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon