Thirty-One

62 4 0
                                    


Temporary Peace

+++++

Hindi nakapagsalita ang lahat matapos magsalita ni Natasha. Hindi naman kasi nila alam ang gagawin lalo na't sinabi na ni Mariel na bago-bago pa lang ang droga na naibigay kay Luna at sa nakikita nilang reaksyon sa tatlo ay mukhang seryoso ang kalagayan ng lider nila.

"Oh, pa'no yan? Walang may gustong kumana kay—"

"Ehem!"

Napatingin ang lahat kay Troy. Umalma naman si Janille. "Hindi pwede!"

"Ay! Wala pa ko sinasabi!"

"Wala ako pake! Basta hindi pwede! Tagal-tagal inalagaan ni Luna sarili niya tapos mapupunta lang sa istranghero yung virginity niya!"

"Uy hinay naman." natatawang awat ni Rann.

"Tama. Kaya si Evan na lang gagawa." biglang singit ni Shane na ikinatingin ng lahat kay Evan na nagulat sa pagtawag ng pangalan niya.

"Lah, ba't ako!?"

"Sad. Mukhang ayaw ni Evan. Crush ka pa naman ni Luna." sabi ni Shane na ikinareact ng iilan.

"Ay totoo!? Gaga nilalandi ko pa naman si Evan, may lihim pala talagang pagtingin si Luna sa kaniya!" natatawang sabi ni Lowell.

Natawa ang iba sa sinabi at reaksyon ni Lowell.

"Yari ka bat mo sinabi?" natatawang sabi ni Rann.

"Ay oo nga pala." mas lalong natawa ang iba dahil mukhang isang sikretong malupet ang sinabi ni Shane.

"Ikaw pala crush ni Luna ah." panunudyo ni Renz.

"H-hindi naman i-ibig sabihin ako na diba? T-tsaka wala ako alam diyan."

Nagsimula nang manukso ang ilan sa mga naging kaklase ni Evan sa sinabi niya.

"Imposible! Parang di ka nanood ng bold nung bata ka ah!" biglang banat ni Troy.

"Hoy! Hindi naman talaga!" nanlalaki ang mga matang sabi ni Evan.

Nagtawanan pa lalo ang iba sa reaksyon ni Evan. "Oy seryoso na, ano na gagawin natin kay Luna?" tanong bigla ni Diane.

"Sa ngayon magpahinga muna tayo. Tsaka na tayo mag-isip kapag nandun na tayo sa bahay mo." sabi ni Mendoza. "Pagod tayong lahat kaya kung ano-ano na naiisip natin." dagdag pa ng lalaki na sinang-ayunan nila.

Samantalang nagbigayan naman ng mga makahulugang tingin sina Misha bago maupo malapit sa pwesto ni Luna.

Hindi naman nagtagal ang byahe nila papunta sa bahay na sinasabi ni Diane. Namangha pa ang iba dahil malaki-laki nga ang bahay ng dalaga lalo na ang parking na tamang tama sa sasakyan nila. Pero ang iba ay tulog talaga, lalo na sa pagod at hating gabi pa lang.

"Uy gising. Nandito na tayo." gising ni Shane kay Janille na nakasandal sa balikat niya.

"Ah? Saan?"

"Sa palasyon ni ate Diane." natawa si Rann sa sinabi ni Shane.

"Palasyo?" napatingin si Janille sa bintana.

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon