Thirty-five

74 4 0
                                    

All is well for now (part 2)

+++++

"Ay pvtangina!"

Mabilis na napabangon si Luna nang may makita siyang kung sino. Natigilan siya nang makilala kung sino.

"Winston!? Ba't nandito ka!? Awit sayo! Wala man lang pagkatok!? Tsaka ba't nandito ka!?"

"Inulit mo lang tanong mo."

"Wala akong pake. Bakit ka nga nandito? Tsaka..." napatingin siya sa pinto.

Nagtataka siya dahil ang bilis naman ng lalaki makapasok sa kwarto niya. Samantalang tumingin na siya agad nang makarinig siya ng kalabog ng pinto.

Ah... Baka tumakbo.

"You not wondering why I'm here already?" tanong ni Winston.

"Alam ko namang tumakbo ka eh. Ano ba kasi kailangan mo?"

"Hindi ako tumakbo. I used this door."

"Huh?"

Tinuro ni Winston ang pinto na nasa likuran nito. Binuksan nito ang pinto at ipinakita kung ano ang nasa likod ng pinto na yun.

Isang kama, at iilang gamit na katulad sa kwarto niya.

Nanlaki ang mga mata niya. "Teka ano yan?"

"My room."

"Room? Edi... Hindi banyo yan?"

"Do you think it looks like a bathroom?"

Napairap na lang siya dito. "Malay ko ba." tapos maya-maya may narealize siya. "Ay shems! So magkadugtong kwarto nating dalawa!?"

"It seems."

Pabagsak na napaupo siya sa kama dahil hindi niya inaasahan na magkadugtong ang kwarto nila ni Winston. Pati yung mga nababasa niya sa wattpad nagkakatotoo. Sa wattpad niya lang kasi nababasa na magkadugtong yung dalawang room.

"Bakit ka nga ulit nandito? Tinatanong kita wag mo ko ignorahin." nakakunot-noong sabi ni Luna.

Pero tinitigan lang siya ni Winston. Pakiramdam niya tagos hanggang balunbalunan ang titig ng lalaki dahil dama niya ito. Kaya napakurap siya at napatingin sa sahig.

"Hoy! Ano ba?"

"You don't remember anything happened between us?"

Kunot-noo pa rin si Luna na napatingin sa lalaki. Seryosong seryoso ito as usual. Pero kakaiba ang aura ng lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit.

"Ha? Ano bang nangyari?" mabagal niyang sabi.

"So you really don't remember huh?"

"Ha?"

Napabuntong hininga na lang si Winston at akmang aalis na siya nang biglang magsalita si Luna.

"Hoy! Ano ba kasi yun!?"

Matagal bago makasagot si Winston. "Nah. I think you don't want to remember that."

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon