Thirteen

83 6 3
                                    

Sleepless

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sleepless

****

"B-babalikan na lang natin sina Mia kapag ayos na ang sitwasyon sa kanila. Mag-iingat kayo Mia."

Nag-sign of the cross pa ang broadcaster habang ipinagdadasal nang mabilisan ang mga katrabaho.

"Dahil sa nangyari kanina ang lugar ng Pampanga ang panglima. Panglima sa mga lugar na kung saan dinayo ng mga sandamakmak na pinaniniwalaang zombies na nagdulot ng napakalaking pinsala sa mga imprastraktura at pagkalat ng kakaibang karamdaman sa ilang mga mamamayan na dinaraanan ng mga ito. Bibigyan pa tayo ng karagdagang balita sa isa na namang speech ng pangulo—"

Biglang nawala ang broadcaster dahil ipinalit na sa screen ang pangulo ng Pilipinas na nagsisimula nang magsalita.

"—horde of zombies. Sa totoo lang hindi namin alam kung saan nanggaling ang mga pinaniniwalaang zombies na ito. At nakikipag-ugnayan na ang ating bansa sa iilang mga bansa tulad ng Amerika, Russia at iba pa. Nagsasagawa kami ng pag-aaral patungkol sa mga zombies na ito. Pero sa ngayon, ang solusyon lang namin pansamantala sa mga bali-balitang horde na ito, ay pasabugan sila ng missiles dahil sa sobrang dami nila."

Habang nagsasalita ang pangulo sa t.v ay nagsibabaan naman ang ilan at natuon ang atensyon nila dito.

"Hangga't maaari, manatili lang sa kanilang mga tahanan. Humingi ng tulong mula sa—"

Naputol sa pagsasalita ang pangulo nang may isang tao ang lumapit dito at bumulong. Kitang kita ang reaksyon ng pangulo na nanlaki ang mga mata at kung paano mas naging problemado pa ang itsura nito.

Maya-maya ay umalis na ang lalaking lumapit sa pangulo. Huminga muna nang malalim ang pangulo bago magsalita.

"Mas mabuti na ring masabi ko na 'to sa inyo. Unfortunately, the two of telecommunication companies were attacked by these horde of zombies. Smart communication and Globe Telecommunication company."

"Jusko, pakitingnan lahat ng mga cellphone niyo dali! Yung signal!" agad na sabat ni Mendoza na sinunod naman ng lahat.

"Wala akong signal." sabi ni Mendoza.

"Ako din sir."

"Sakin din."

Sumagot din ang iba. Lahat sila ay walang signal sa mga phone nila. Napasapo na lang si Mendoza, namomoblema dahil walang signal.

"Sir..."

Napabuga muna siya nang malalim at saka nakinig sa t.v.

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon