Two

166 5 3
                                    


"What the hell's happening?"

****

"LUMABAN KAYO! TILI KAYO NANG TILI EH!"

"LUNA SA LIKOD MO!"

Mabilis na napatingin siya sa likuran niya at nahintatakutang napalayo sa nilalang na zombie na halos kulang isang dipa na lang ang layo sa kaniya. Bukas sara pa ang bibig nito na mukhang gustong gusto talagang kumagat.

Gigil na inihataw niya ang kahoy ng walis tambo sa ulo ng nilalang na zombie dahilan para matumba ito. Napatili at sigaw na labg ang iba dahil may dugo na namang tumalsik galing dito.

"SHIT! ANO NA!?" Gigil na sabi niya sa mga kaklase niya.

Mabilis na nagsialisan ang iba sa mga kaklase kaklase niya sa cubicle, ang iba ay nanatili lang doon. Ang ibang kaklase nila ay kinuha ang mga naglalakihang mga bag ng kaklase nila para ito ang magamit sa ipanghahampas sa mga tila zombie na sumasalakay sa kanila.

Kahit nangangatog ay hinarap ng ibang mga kaklase nila ang mga zombie.

"SA ULO NIYO TAMAAN!" malakas na sabi ni Luna na sinunod naman ng mga kaklase niya.

"AAARRGGHHH! AYAN BAGAY SAYO!" Sabi ng binabaeng kaklase nila na si Lowell at hinampas ng malakas sa ulo ang zombie na nauntog sa pader sa harap ng room.

"MAMATAY KA NA!" si Renz na ganun din ang ginawa sa zombie.

Itinuloy ng ibang mga kaklase niya ang paghampas sa mga ulo ng mga zombies. Nang makita ni Luna na wala nang pumapasok ay agad niyang isinara ang pintuan ng room nila na parang gate. Sinipa niya muna ang paa ng prof niya papasok ng room tsaka isinara ang pinto na parang gate. Ilalock sana niya ito nang makitang nakalapit ang isang zombie sa harap ng mini gate ng room nila.

"Putang—"

Mabilis na naihila siya papalayo sa mini gate ng kung sino sa nga kaklase niya. Sa lakas ay napa-upo pa sila.

Sa sobrang gulat ni Luna ay hindi agad siya nakakilos. Hingal na hingal na tulala lang siya sa harap ng mini gate ng room nila habang binabangga ng isang zombie ang sarili nito doon. Saglit na natahimik ang room nila kaya dinig na dinig nila ang tilian at sigawan sa labas. Nadidinig pa nilang may mga nagtatakbuhan sa labas ng room nila dahilan para umalis yung zombie sa harap ng mini gate nila.

Nakasalubong nito ang isa nilang ka-major. Wala na itong nagawa at nataranta na sa takot nang salubungin ito ng zombie. Doon ay sa harapan nina Luna nasunggaban ang ka-major nila na nagsisisigaw at nagkakakawag habang ningangasab ng zombie ang balikat nito.

"S-si Anzela yun diba?" nanginginig na sabi ni Janille na isa sa mga humila kay Luna.

"S-sarado ba yung gate s-sa likod?" sabi ni Renz.

Napatingin ang ilan sa gate sa kabilang side ng room nila. "Oo."

Hingal na hingal ang lahat. Ang iba dahil sa pagod kakahampas sa mga zombies. Ang ilan ay dahil sa pagod sa kakahiyaw at kakaiyak. May humihikbi pa nga.

"A-anong..." sabi na lang ni Luna at dahan-dahang napatingin sa katawan ng prof nila na nakadapa, at duguan.

"P-pakiramdam ko, ako pumatay kay ma'am Lopez." sabi na lang niya.

Walang nagsalita sa kanilang lahat. Hanggang sa nagsalita si Shane na ngayon ay lumapit kina Luna. Napansin ni Luna ang zombie na natigilan sa pagkain sa isang katawan. Napapatingin ito sa kung saan hanggang sa napatingin ito sa direksyon ng room nila. Bigla itong tumayo nang mabagal at papunta ito sa kanila.

"Shane tigil!"

Pero di naman tumigil sa paglalakad si Shane.

"Tigil sabi!"

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon