"Go Saint Paul, Go!! Go Saint Paul, Go!!!" Malakas na cheer ng kabilang school."Oh my God, I love you James!!!"
"Marry Me, Steven!!!"
"Anakan mo ako, Will!!!"
"Ang gwapo mo, Philip!!!"
Iilan lang yan sa mga sigaw ng kababaehan dito sa Lim coliseum. Nakakabingi at nakakadagdag lalo ng nerbyos, ilang minuto pa bago matapos ang laro masyadong dikit ang laban, 89-85, lamang ang Saint Paul, kaya siguro ganun kalakas ang cheer nila akala mo naman sure ng panalo sila, natabunan na ang ingay ng school namin.
"Kyahh I love you Anthony!!!!"
"I love you David!!!!"
"Be mine, Chester!!!"
Natawa ako sa reaksyon ni Chester, napangiwi pa na parang nasusuka, ang arte talaga ng lalaking iyun.
"Akin kana lang, Captain Harper!!!"
Nawala ang pagkakangiti ko ng marinig ko yun, napasimangot ako ng palihim. Ang gwapo naman kasi ni My Love, dami ko tuloy kaagaw, hys. Lalo pa akong napasimangot ng makita kong inabutan ni Clarisse ng towel at tubig si Harper, from the audience set.
'Akala ko ba wala na talaga sila?' Naghihimutok kong tanong na walang tinig.
Nakatingin lang ako sa kanila habang di iniinda ang ingay sa paligid, kasalukuyang break time para sa huling quarter kaya nga nakakapag-usap sila at nakakapag ngitian na parang sila lang dalawa ang tao sa mundo.
Masyadong masakit sa mata at sa dibdib, pero wala akong magagawa.
"Ennngggkkk!!" Tunog ng buzzer beater na hudyat ng pagsisimula ng huling quarter. Nakapagpasalamat ako ng lihim kasi napaghiwalay sila dahil doon.
Nag focus na ako sa game, kung saan lumamang sina Harper ng 6 na puntos sa Saint Paul. Nagpatuloy iyon hanggang sa makahabol ulit ang kabilang team. Masyadong intense at nakakakaba ang nangyayari, pagkatapos makaungos ang isa ay babawi naman ang isa.
Dawalang minuto na lang ang nalalabi, napatingin ako sa score board, 'Oh My God, Tie na', Kinakabahan kong bulong.
Natapos ang isang minuto na walang nakapagshoot ng bola, dahil sa mahigpit na bantayan ng bawat team, seryong-seryoso sila at focus na focus, gusto ko rin sanang mag focus lang kay Harper, dahil ang hot niyang tignan sa seryoso at namamawis na hitsura pero kinakabahan kasi ako. Pabaling-baling ako kung saan mapupunta ang bola.
'Shit, 54 seconds na lang.' Bulong ko ulit', "Go, BU!! Go Harper!!" Sigaw ko, kasabay ng sigaw ng ibang mga nanonood.
Naagaw ng Captain Ball ng Saint Paul ang bola kay David, napasigaw ang school namin dahil doon. Pakiramdam ko wala ng humihinga ngayon dito dahil sa kaabang-abang na larong ito.
'10 9 8 7 ---' Bilang ko sa oras, habang magka cross ang mga daliri.
"Engggk!!!!"
"Whoahhh!!!!!"
"BU BU BU BU BU BU BU!!!!!"
Sa huling anim na Segundo, parang nag slowmo ang lahat ng maagaw ni Harper ang bola sa Captain Ball ng Saint Paul, pumusisyon siya sa tres at yun, hulog. Kasabay ng paghulog ng bola ay ang pag zero ng oras, sumabay ang sigawan, nagsitayuan at nagcheer ng malakas ang aming school. Napabasay ako dahil sa saya at tuwa.
'Nanalo kami!!! Ang galing talaga ni Harper!' Ngiting-ngiti kong sambit sa isipan ko.
--
BINABASA MO ANG
THE UNWANTED (COMPLETED)
Romance"I just want to be loved and accepted, pero bakit? Imbes na pagmamahal at pagtanggap eh puro pasakit ang natatanggap ko?" Mary Natasha Esguerra is the only daughter of the family Esguerra, sa likod ng mala perpekto nilang pamilya, isa pala siyang ib...