12-The Cold

75 2 0
                                    


   Kinabukasan, I was woken up by my alarm. I only stop it then back to sleep again. I'm not going to school today. I feel so tired. I can't go. I don't have a face to stand strong like I always do. Kailangan ko ng pahinga. I'm still human kahit ngayon lang ayokong makarinig ng anumang mga masasakit na salita.

I was woken up, may yumuyugyog sa akin. I just groaned at binalot ulit ang sarili sa kumot. Nilalamig ako. Why is it so cold today? Tag-ulan na ba? As far as I remember malapit na ang summer.

"Ate, ate woke up. Ate!"

'ow, it's Nicholas'

I just groaned again. Nanghihina ako. Nagawa niyang alisin ang kumot sa mukha.

"Hmm, baby stop. Go to school now. You're going to be late now." Ibabalik ko sana ang kumot kaso pinigilan niya ako. Dinampian niya ang noo ko.

"Ate, you're having a cold. What do you want? Are you hungry? Do you want soup? What are you feeling now?" Puno ng pag-aalala ang boses niya. Lihim akong napangiti.

"I'm gonna be okay, baby. I just need to rest. Don't worry too much. Go to school now. Finals are nearing. You should focus on your school." Mahina kong saad. Namamaos. Nakapikit pa rin ang mga mata ko. I can't open it.

"But ate, you're not okay. You should take a medicine first." Bakas pa rin ang pag-aalala sa boses niya. Humiga siya at niyakap ako sa labas ng kumot.

"Hmm, I know, I know. Go now, just tell Manang to bring me food and medicine para huwag kang masyadong mag-alala. Go now." Taboy ko sa kanya. Humigpit ang yakap niya.

"Okay. Rest well ate. I'll call Manang every hour to check you." Paglalambing niya. Ngumiti ako at tumango-tango.

"Okay, Boss." Biro ko but he didn't laugh. He's really concerned about my situation.

"Okay, I'll be going now. I'll call the Dean to inform that you're sick to excuse you."

"Hmm, thank you, baby." Hinalikan niya ako sa noo at kumalas na.

"Bye ate, see you later. Rest well okay?" Tumango ulit ako.

Umalis na siya at narinig kong nagbukas sara ang pinto. Hays, I'm planning to sleep all day. I came back to dreamland. Then, pakiramdam ko di pa isang oras ang tulog ko eh may gumigising ulit sa akin. Gumalaw ako at parang may nakalagay sa noo ko. Malamig. Kinapa ko ito. 'ow, cool fever.'

"Mary!" Lumubog at gumagalaw ang kama. Parang may umakyat at lumalapit sa akin. 'Is that Lily?' May naramdaman akong mainit na kamay sa leeg ko at sa pisngi. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Malabo. Maliwanag.

"Mary!" Narinig ko ulit ang boses niya. Nilingon ko siya at unti-unting luminaw ang paningin ko.

"Lily!" Paos na paos ko ng sambit.

"Kaya pala, hinintay kita nung lunch sa garden di mo kasi ako tinawagan. Yun pala di ka pumasok at may sakit pa. Nag-aalala na ako sayo. Akala ko may nangyari ng masama sayo. Nakalimutan mo kasing tawagan ako kagabi." I saw how sad she is. I smile a bit.

"Sorry!" Mahina ko pa ring sambit. Nahihirapan magsalita. Masakit sa lalamunan. Tumango-tango siya.

"Sabi ni Manang, di ka pa raw kumakain ng breakfast at lunch, kumain ka muna. Nagluto si Manang tinulongan ko siya. Tara bumangon ka muna! Susubuan kita." Ibinaba niya ang kumot ko. Nanginig ako. Tinulongan niya akong humilay sa headboard ng kama. Ibinalot ulit sa akin ang kumot. I'm so weak. I can't even say no. Sunod-sunuran lang ako. I'm hungry too. "Oh, Heto na. Hihipan ko muna. Mainit pa." She blow it few times at inilapit sa bibig. Ibinuka ko ang bibig ko at kinain ito.

THE UNWANTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon