Liliana AsquillaNaging mas makulay ang buhay ko noong dumating si Mary sa buhay ko.
Ngayong pinagmamasdan ko siya. Parang unti-unting naglalaho ang mga alaalang nabuo namin. Tanging sakit at lungkot lang ang natira. Palaging parang hinahati paunti-unti ang puso ko. Nakakalungkot na makita siyang nasa ganitong sitwasyon. The lively Mary is gone. Nawala. Isang natutulog na Mary ang natira. Isang natutulog na Mary na kinakatakutan namin. Natatakot kaming isang araw di na siya gumising.
Naging mas matatag ako dahil sa kaniya. Tinuruan niya akong maging mas malakas. Tinuruan niya akong lumaban. Tinuruan niya akong ngumiti kahit nahihirapan. Tinuruan niya ako ng marami. She's my coach, my sister, my best friend and my favorite person. Nakagraduate na ako at lahat pero di pa rin siya gumigising.
'Hanggang kailan ka ba matutulog diyan Mary? Marami ka ng pagkakataon na napalampas, Please! Gumising kana. Miss na miss kana namin.'
Naging mabigat na naman ang aking paghinga ko. Sumisikip ito. Nahihirapan na naman akong huminga. Nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko. Napabaling ako sa kanya.
'Si Logan!'
Nagkatagpo ang mga mata namin. Di ko iyon mabasa. Malalim pero mas malalim ang mga mata ni Harper. Parang isang kawalan. Kawalan na walang hangganan. Seryosong nakatitig sa akin si Logan. Parang sinasabing everything's going to be okay. Bakit ba parang ang gwapo na nito sa paningin ko?
Kumurap ako para tanggalin iyon sa isip ko. Hindi tama. Hindi angkop sa sitwasyon. Ayokong bigyan ng malisya. Napaka genuine ng relationship na meron kami ngayon. Masaya na ako roon. Huminga ako ng malalim at tumango sa kanya. Tinapik niya ulit ang balikat ko at tinanggal iyon.
Tinignan ko ulit si Mary na mahimbing na mahimbing ang tulog. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Naalala ko noong mga panahong unang beses niya akong kinausap. Napangiti ako.
The flashback
"Is this chair available?"
Napaangat ako ng ulo mula sa pagkakayuko ng makarinig ang boses sa harap ko. Nagulat ako ng makilala siya. Bumilog ang mga mata ko pati na rin ang bibig ko. Natulala ako sa harap niya.
'Anghel. Isa siyang anghel, hindi prinsesa, ay hindi, dyosa pala.'
Kinagat niya ang labi niya para bang pinipigilan na matawa o ngumiti, Ewan.
'Mary Natasha Esguerra, imposible!'
Pinitik niya ang daliri sa harap ko. Nagitla ako roon at napakurap.
"Is this chair is available?" Tanong niya ulit. Napatingin ako sa kaharap kong upuan at inilibot ang pangingin sa paligid. Napalunok ako. Tinignan ko siya ulit.
"A-ahmm, yes!" Mahina kong saad. Nag-aalinlangan pa. Kinakabahan ako ngunit ngumiti lang siya at umupo na.
"Thank you sa wakas, wala na kasing ibang bakante. I saw you na mag-isa lang kaya sumadya ako rito and Thanks God, I trust my instinct!" Masaya niyang kwento. Maganda ang pagkakakurba ng labi. Mayroong magandang ngiti. Di ko siya sinagot. Nakatingin lang ako sa kanya. Napatingin siya sa akin. Napaawang ang mga labi ko, na nagugulat pa rin.
'Kinakausap niya ako. Panaginip ba ito? Himala. Huwag niyo kong gisingin.'
"Hahaha you're cute!" Tawa niya. Nanlaki ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
THE UNWANTED (COMPLETED)
Romance"I just want to be loved and accepted, pero bakit? Imbes na pagmamahal at pagtanggap eh puro pasakit ang natatanggap ko?" Mary Natasha Esguerra is the only daughter of the family Esguerra, sa likod ng mala perpekto nilang pamilya, isa pala siyang ib...