"You are not supposed to carry that child!!!"Lahat kami biglang napatingin sa taong nagsalita, gulat na gulat. Napalunok rin ako.
'Dad!' Naumid ang dila ko, naduwag. Nandito siya, nandito na siya. We're in danger.
Naglakad siya ng taas noo, punong-puno ng otoridad, manliliit ang sinumang madadaanan niya, no one dared block his way. He's the great Esguerra, my father, Nathaniel Esguerra IV.
Nakayukong umalis si kuya Jun at si Manang habang ang babaeng katabi ko ay nanginig sa takot. I am afraid too but, kung matatakot rin ako sino na ang kakampi ng babae? Sino ang dadamay sa kanya? Wala.
Huminto siya sa harap namin pinanatili ang distansya na akala mo isa kaming basura na napakadumi.
"D-dad, what do you mean?"
Lakas loob kong tanong kahit magkandautal-utal ako. I need to, for this lady beside me, for the sake of my niece or nephew.
Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin, masyadong malamig ang pakikitungo niya sa akin, ngunit di ako masanay-sanay. Kahit noon pa man ganito na siya saakin para bang isa lamang akong hangin, di makita, di marinig at di pinapansin.
"You're not allowed to bare a child of an Esguerra!! I demand you to abort it, you're not the one who will ruin our name!!"
Maotoridad niya pa ring saad. Nakakapanghina ang matalim at malamig niyang boses.
"But dad, he's an Esguerra too, and your grands--"
"Leave!! You're dirtying our place with your filthy personality you're such a shame, you're a whore! Leave, before I'll let my guards drag you outside!!"
Napaawang ang labi ko sa mga sinabi niya. He's really heartless.
Tumakbo palabas ang babae sa takot, habang humahagolhol ng iyak. Napatigil ako sandali ngunit nakuha ni dad ang atensyon ko ng maglakad na ito papunta sa hagdan. Hinabol ko siya at hinarang.
"Dad you can't do that, that's heartless, he's still your grandson!"
Tumigil nga siya pero di man lang niya ako tinignan, with his 6 feet and 2 inches height, he's towering me. I feel so small.
He didn't respond but he picked his phone on his coat. I'm watching him, confused.
"Brandon, be sure to throw that girl in her proper place!!"
Kinabahan ako, at napaawang ulit ang mga labi.
'Oh my God!!'
Nilampasan niya ako, at naiwan naman akong di alam ang gagawin, ng makahinga at makapag-isip, tumakbo ako palabas umaasang maaabutan pa ang babae. Nilampasan ko ang mga naglalakihang body guards ni dad. Di man lang nila ako pinigilan.
Humahangos akong nakarating sa labas ng gate, nagpalingalinga at nakita kong papunta si Brandon sa babae.
'No! Oh my God!'
Tinakbo ko ang distansya namin kahit hingal na hingal na ako, di ako tumigil. Hahawakan na sana ni Brandon ang babaeng humahagolhol pa rin ngunit sumigaw ako.
"Brandon!!!"
Tumigil siya at napatingin siya sa gawi ko with his stern look, habang ang babae naman tuloyan ng napaluhod. Nilampasan ko si Brandon at dumiretso sa babae. Huminga muna ako ng malalim.
"Hey!! Shhh shhh! It's me, Come here let me hug you!!"
Niyakap ko siya at hinaplos ang likod niya ng mabagal, pangpakalma.
BINABASA MO ANG
THE UNWANTED (COMPLETED)
Romance"I just want to be loved and accepted, pero bakit? Imbes na pagmamahal at pagtanggap eh puro pasakit ang natatanggap ko?" Mary Natasha Esguerra is the only daughter of the family Esguerra, sa likod ng mala perpekto nilang pamilya, isa pala siyang ib...