41-MARY NATASHA ESGUERRA

119 1 0
                                    


Mary Natasha Esguerra

   Sa di ko mabilang na pagkakataon ay nagising ako ulit sa lugar na ito but, there's something that I notice here. Is it been lighted or something?

Bakit parang lumiwanag? Bakit parang naging maaliwalas? May nangyari ba?

Again, I heard voices calling me. Di lang sampong boses. Marami na sila, paulit-ulit na tinatawag ulit ang mga pangalang iyon.

May isang parte na parang isang daan. Maliwanag. Hinihikayat akong pumunta roon. I did. I started to walk and follow my instinct. Kaunti na lang, mas lumakas ang mga boses. Mas naging malinaw. Nasisilaw ako, tumigil ako pero unti-unti ako nitong hinihila.

Nakaramdam ako ng isang malakas na pwersa at tuloyan akong sinakop nito. Napapikit ako.

"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday Natasha/ Princess/ Ate/ Mary/ Nat. Happy birthday to you. Yehey!"

Nakarinig ako ng mga palakpakan. Mga masayang palakpakan at masayang boses.

"Okay, let's wish for her now. Let's closed our eyes and prayed!" It's that Tita Esperanza? Sa pamilyar na boses na iyon ay napamulat ako.

Maliwanag. Naging puti na ang paligid. Walang hangganan pa rin pero mayroong kakaiba. Naging magaan. Kumalma ang pakiramdam ko.

"Mary Natasha!" Isang napakagandang boses ang narinig ko. Di pamilyar. Nagpalinga-linga ako, hinahanap siya.

"Nandito ako, Princess. Sa likod mo!" After I heard that, I turned around and I saw myself. My matured self. Smiling beautifully. Napakaganda.

Napatitig ako sa kanyang mga mata. Hazelnut. Bakit iba ang mga kulay ng mata ko? Unti-unti niyang itinaas ang mga braso niya parang sinasabing lumapit ako at yakapin siya.

This is not me. It's a different person. I can feel it. She's a total different person.

"Mary Natasha!" Tinawag niya ulit ako. Sa unang pagkakataon ay bumilis ang tibok ng aking puso. Gustong lumukso palabas.

What is this feeling? I dont know her but my heart says she is.

"My Princess. Come. Let me hug you for the first time!" Ang gandang pakinggan ng kayang boses.

"Who are you?" Mahina ngunit nag-aalangan kong tanong. Lumaki ang ngiti niya.

"It's me. MaryDale. Your Mom!" Napaawang ang labi ko. This can't be. This can't be. Nanginig ang kalamnan ko. Nanlabo ang mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha. I shaked my head a few times. I even closed my eyes tight. When I opened it she's still there. Smiling beautifully. I blinked a few times. She's real. She's not disappearing.

"M-mom!" Utal kong tawag sa kanya. She nodded her head slowly. Tugon sa paniniguro ko. I bite my lip. Nangangatal ito. Bumagsak ng paisa-isa ang aking mga luha. "Mom!" Tawag ko ulit. Sigurado na. She laugh beautifully. Parang isang musika sa aking tenga.

"Yes, it's me. My Princess." Tuloyan na akong napahagolhol. Tumakbo at nagpakulong sa mga yakap niya. She's real. I can feel her. I can hug her.

"Mom!" I cried hard inside of her embraced. Hinahaplos niya ng mahina ang aking likod.

"Shhh stop crying now, My Princess." Parang gusto ko na lang dito. Ayokong bumitaw. Gusto ko kasama siya. Gusto ko nandito lang siya at yakap ko. Napakasarap sa pakiramdam na makulong sa yakap niya. I never felt this comfortable feelings before not even the comfortability I feel inside of Logan's arm. Kakaiba siya. Alam kong ligtas ako. Alam kong di ako masasaktan. Alam kong poprotektahan ako ng yakap niya.

THE UNWANTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon