40-THIRD PERSON POV

77 2 0
                                    


Third person POV

   Ang normal na araw nila simula ng mahiga ng matagal si Natasha ay ginulat ng isang balita. Balitang ngayon lang ipinaalam sa publiko.

"Magandang Umaga. Kagabi, Nagkaroon ako ng pagkakataong makuhanan ng kaunting information si Mr. Nathaniel Esguerra, heto ang sinabi niya.

'Its her 21st birthday tomorrow. Tell to all the people around that it's her birthday and celebrate it together. Please tell them to sent a prayers for her. And that's gonna be her greatest gift. God job, Dear. Thank you!'

Sa unang pagkakataon inilabas ni Mr. Esguerra ang impormasyong iyon. Sa loob ng 21 years. Kaya makikicelebrate tayo ngayon at mananalangin para sa kanyang paggaling. Di man natin alam ang kanyang tunay na kalagayan ay sa nakikita natin ay patuloy na lumalaban ang kanyang pamilya. Sapat na yun sa atin."

Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa national TV. Kahit ang mga taong nakikinig ay yumuko at nanalangin.

Sabay-sabay silang nakiusap sa taas ng mabuting kalagayan ni Mary Natasha. Puno ng pag-asa at tiwala. Alam nilang mabuti ang Panginoon. Pagagalingin niya ang may sakit at gigisingin niya ang natutulog.

--

Umaga palang naging abala na sila sa selebrasyong gaganapin. Umaga palang ay nasa Restaurant na si Missis Esguerra para sa mga pagkain. Kahit linggo ay pumunta siya at humingi ng tulong sa mga empleyado niya. Natuwa rin ang mga ito ng malaman ang dahilan. Nais nilang makicelebrate kaya nagpadala sila ng Panalangin.

Umaga palang gising n gising na ang kambal. Pumunta sila sa Mall para bumili ng mga kailan. Metikuloso nilang sinusuri ang mga ito. Ayaw nila ng basta lang, gusto nila iyong maganda. Iyong alam nilang magugustohan ni Natasha.

Umaga palang lumakad na si Mac para bumili ng magandang klase ng upuan at lamesa. Gusto niya rin ng bago. Ayaw niya ng luma at gamit na. Gusto niyang bago para kay Natasha.

Umaga palang gising na gising na rin ang bunso nila. Si Nicholas. Ilang beses siyang naghanap ng magandang kanta na tutugtugin niya sa Ate niya. Masayang-masaya siya at ngiting-ngiti. Gustong-gusto niya ang ideyang ito. Gamit ang kanyang pinakamamahal na saxophone. Tutugtugan niya ang Ate niya ng isang napakagandang kanta na alam niyang magugustohan nito. Alam niya ang taste nito sa music. Sinubukan niya ito. Ilang ulit at sumubok ulit ng bago. Sumubok siya ng marami at tuwang-tuwa na nagawa niya itong tugtugin lahat.

Si Logan naman at iba ay may kanya-kanya silang ginawa na makakatulong sa pag-aayos. Tumulong sila sa paglagay ng designs, paggupit ng mga dapat gupitin, pagpalobo ng mga lobo, pag-aayos ng upuan at lamesa. Paghanda ng mga pagkain at pagtabi-tabi ng mga cake na binili nilang kanya-kanya rin. Marami. Siyam na Cake. Pwera pa sa pagkain na dinala ni Missis Esguerra.

Umaga palang din ay nawala na parang bula si Mister Esguerra. Hindi na nagtanong si Missis Esguerra. Alam niyang sa puntod ni MaryDale ang punta niya.

Nakangiti silang lahat na pinagmamasdan ang mga ginawa nila. Naghihintay sa pagdating ng Ama ng tahanan. Masaya silang ginawa iyon ng sama-sama. Humihiling na sana ay nakikita iyon ni Natasha at kasama nilang nag-ayos.

Bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang hinihintay nila. Mayroong akay na malaking box ng cake. Sampo. Sampong cake para kay Natasha. Isinalansan nila ito at nilagyan ng mga kandila ang mga cake.

Kanya-kanyang buhat sila at pumalibot kay Natasha sa kama. Nagsalita ang Ama.

"My Princess, I hope you can hear us. Hear us please."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagsimula silang magsikanta ng masayang happy birthday song. Tinapos at sabay-sabay pumikit at sila ang nananalangin para kay Natasha.

Hinintay na matapos ang lahat at sabay-sabay na hinipan ang mga kandila. Nagdiwang sila at isa-isang binati si Natasha at hinalikan sa noo, pisngi, kamay at sa ulo.

Ang mga regalo nila'y tinipon sa isang tabi. Nagsimula silang kumain. Ang iba ay lumapit kay Natasha at kinausap, inalok ng pagkain at gustong subuan.

Nagtatawanan at nagkabiruan sila. Tahimik lang ang Ama, ngunit ramdam nilang masaya ito. Iba ang aura nito. Magaan at maaliwalas. Nakikinig sa mga kwento at tumatango-tango lang. Nagpatuloy ang kasiyahan at ingay. Pinaiingay nila ang loob ng kwarto. Binibigyan ng buhay at kulay.

Gaya ng sinabi sa balita. Mayroong nagpadala ng mga bulaklak at cake para kay Natasha. Sa labas ng hospital ay nagtipon ang mga tao. Nagkagulo at nag-unahan maibigay ang mga dala.

Lumabas ang head of security. Pinatahimik ang lahat. Pinasindihan ang mga kandila sa cake.  Sinabihan niyang yumuko ang lahat at pumikit. Sabay-sabay na manalangin. Pagkatapos noon ay sabay-sabay nilang hinipan ang mga cake. Nagdiwang sila at sabay-sabay na isinigaw ang salitang 'Happy Birthday, Natasha' Tuwang-tuwa sila at nagkantahan. Nakangiting tinatanaw sila ng mga Nurse at mga Doctor na nakakakita sa kanila. Nananalangin din ng tahimik.

Nakangiting nanonood ang mga tao sa kanilang tahanan. Isang napakagandang tanawin ang kanilang nakikita. Ang pagcelebrate ng sama-sama at pagsaya. Nakikanta sila at nakihanda. Nagpadala rin ng Panalangin.

Nakangiting nakalingon sa malaking TV si Clarisse. Kaharap ang isang cake na hinipan niya na.

Nakangiting nakalingon sa mga taong nagsasaya sa labas ng hospital si Miguel. Kinakausap si Natasha sa isip at binabati.

Nakangiting pinapanood ni Chester ang mga tao sa labas na nagkakasiyahan at nagkakantahan. Nasa tabi niya si Elizabeth na nasa labi rin ang ngiti.

Nakangiting nanonood ang pamilya ni Jun sa television. Mayroong cake at handa sa harap nila. Tuwang-tuwa ang mga bata. May mga lobo pa at mga party hat's. Nakikikanta at nakikisaya rin.

Nakangiti sila. Nag-iingay. Ang mga tao sa kwarto ni Natasha ay nakalingon sa malaking TV. Pinapanood ang mga tao sa labas. Malaki ang ngiti. Naiiyak at nagpapasalamat ng lihim. Ganito pala karami ang taong sumusuporta sa kanya. Kaunti pa iyan pwera sa mga nasa kanilang tahanan.

Di nila napansin sa pagkaabala nila ang isang tao na pinipilit gisingin ang sarili. Makisaya at makikanta. Di nila napansin. Walang nakapansin.

Tutok ang lahat sa kaganapan. Parang nakalimutan ang may kaarawan at di nabigyan ng pansin.

© Binibining Feyy

THE UNWANTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon