CHAPTER 4.2

271 15 0
                                    

                               Joy POV

        Nakarating ako sa RJ Restaurant na maaga, 10 minutes bago mag 9:00 am. Oh diba foreign time hindi Filipino time, diba nga sa ating mga pilipino ay laging late tayo sa mga sinabing oras...... aminin....... peace

        Sakto ang dating ni Doc Maricel sa oras na sinabi ko.

"Good morning Doc" masayang bati ko sa kanya my makalapit na siya sa table namin.

"Good morning too nurse Joy.... kanina ka pa ba.... sorry late ata ako.... " nahihiyang saad nito bago umupo sa katapat ko lang na upuan.

"10 minutes before 9:00 am Doc ..... pero on the time naman po kayo " nahihiyang saad ko dahil mas mataas ang pinag-aralan niya kesa saken. Kailangan nating igalang ang mga nakakataas sa atin..... Este lahat ng tao na nakapaligid saten. Kung ikaw ay marespetuhin, irerespeto ka ng tao dahil naipapakita mo sa kanila na isa kang mabuting tao.

"Sorry for that ..... meron lang akong dinaanan .... okay let's order bago natin pag-usapan ang mga dapat pag-usapan." saad ni Doc bago tinignan ang menu na nasa harapan niya kaya ganun din Ang ginawa ko.

"Waiter!" tawag ni Doc sa waiter. Lumapit naman ito sa table namin dala ang isang maliit na notebook at ballpen.

"Good morning ma'am/s, can I have your order?" magalang at nakangiting ani ng waiter.

"One adobo, half cup of rice, one slice of red velvet cake and milk tea, and what's your order nurse Joy?" tanong ni Doc.

"One adobo, one cup of rice and mango juice." nakangiting saad ko Kaya nagpaalam na ang waiter at umalis para kunin ang order namin.

Simplicities Possession; [Owned By A Mafia Emperor]Where stories live. Discover now