CHAPTER 7

243 14 0
                                    

                         ~~~~~DECISION~~~~

                                   Joy POV

     I decide to tell my parents about the offer of Doc Maricel. I go downstair and I see them sitting on the sofa while talking and having a coffee.

"Good morning mama and papa" bati ko bago umupo sa pang-isahang sofa kaharap silang dalawa.

"Good morning din anak" sabay nilang bati.

"Ihnoh kumab ifokoh? (May sasabihin sana ako?)" saad ko.
Nakunnoy met, infoloy oh? (Ano yun, anak ko?)" tanong ni papa bago uminom ng kape niya. Paano ko ba sasabihin.

"Hello guys, anong problema natin?" sabat no kuya Mateo. Bumaling kami sa pinto dahil sa narinig naming nagsalita. Yung dalawa kong kuya, si kuya Mateo na naka-suit dahil abogado siya at si kuya mahiyain este kuya Fernando ay naka-uniporme na pang guro dahil guro siya.

"Ana all guwapo (Sana all guwapo) ......... Witwiw" pang-aasar ko. Naupo sila sa sofa na parang pagod na pagod.

"Epal kayo eh..... so ito nga..... may offer na trabaho abroad, sabi ni Doc Maricel na may amo na daw ako doon sa UK na kilala niya, magiging private nurse, eh Ewan ko kung ano ang magiging desisyon ko." mahabang salaysay ko. Parang gusto kong mangibang bansa pero nakakabahan ako na ewan, parang natatakot ako eh.

"Diba yan ang pangarap mo anak? Trabaho na ang lumalapit sayo eh nagdadalawang-isip kapa. Pero kahit anong desisyon mo ay susuportahan ka namin." nakangiting saad ni papa. Dun ko naramdaman na talagang mahal na mahal nila ako at suportado ako sa aking mga desisyon sa buhay. Handa nila akong alalayan kapag may hindi ako nakakaya at dinadamayan kapag dumadating yung panahon na nadadapa o nagkakaproblema ako. Meron akong masayang pamilya na kahit sakto lang ang estado ng buhay subalit ang importante ay nagdadamayan. Yung Hindi ka nag-iisa sa lahat ng mga laban mo sa buhay dahil lagi silang nandiyan para tulungan kang maipanalo ito. Suwerte ako dahil sila ang
naging pamilya ko.

Simplicities Possession; [Owned By A Mafia Emperor]Where stories live. Discover now