JOY POV
Binuksan ng dalawang men in black ang pinto para makapasok kami. Parang pang royal guard lang ang peg noh.
"Empress is here Emp. She want to talk to you." saad ng maid na kasama ko. Pagkukuha niya sa attention ni Dark na may pinipirmahan at tutok na tutok talaga sa kanyang ginagawa.
"Okay kahit na mamaya nalang dahil may trabaho pa siya." ani ko.
" Leave us." utos ni Dark sa maid kaya lumabas na ito ng kuwarto.
Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kuwarto at talagang matatakot ka kung may trauma ka sa dilim. Nakasara ang mga bintana at ilaw lang ang nagbibigay ng liwanag dito. Napakaraming kabinet na nakapincode, kailangan ng mga numero para mabuksan ang mga ito pero salamin na transparent sa harap para makita ang laman nito. Ang daming computers at iba pang gamit na uri ng teknolohiya na pati ako ay hindi ako pamilyar.Talagang masasabi mo na hindi ordinaryo ang posisyon niya at katayuan sa buhay. Napakamisteryoso niya kumbaga.
"What do you want to talk for baby?" agaw niya sa aking pansin. Tinignan ko siya pero agad ding nag-iwas ng tingin dahil nakatitig din pala siya sa akin. Parang kanina pa niya ako tinitignan ng hindi ko namamalayan.
"Saka nalang dahil busy ka naman. Puwede bang magtagalog ka. Alam ko namang kaya mo eh. Hindi naman sa pinapahiya ko ang lengguwahe ninyo pero-"
" Magtatagalog ako pagkasama kita pero hindi sa iba." pagpuputol niya sa aking sasabihin. Halatang hindi ito sanay na matagalog, nakakatawa nga ang paraan ng pagbigkas niya sa mga salita.
"Salamat. Okay lang ba na magtanong ako sayo kase nalilito ako sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko lubos maisip na ganito pala ang dadatnan ko dito. Kung maaari lang sana." medyo mahinang saad ko.
Hindi naman kami close para maging open ako sa kanya at siya sa akin. Kahit kilala niya ako pero hindi ko naman siya kilala. Ginagalang siya ng mga tao dito sa mansion na parang napakataas ng kanyang posisyon at kinatatakutan siya ng marami.
YOU ARE READING
Simplicities Possession; [Owned By A Mafia Emperor]
RomancePrologue Someone's POV "Did you do your work" malayelo Kong tanong. "Y-yes M-master" nanginginig na tugon ng aking tauhan habang nakayuko dahil sa takot. I smirk for it. I know that no one can have her EXCEPT ME! with an...